Franco's POV
Andito kami sa sala lahat problemado , dahil nawala lahat ng phone namin.
Nakakapagtaka nga eh , kasi nung dumating kami dito nagamit pa namin yun para mag selfie pero ng hanapin namin yun kanina nawala na hindi lang Isa kundi lahat kami nawalan kaya nakakapagtaka .
Ika tatlong araw na namin ngayon dito , at hindi namin alam kung ano pa ang mga mangyayari sa araw nato at sa susunod pang araw .
Ang mga kaklase kong babae ay natatakot na sa pwedeng mangyari samin dito , si haley kanina pa umiiyak , yung iba ng babae naman parang naiiyak na din maliban kina yashin , Sam , amanda at xyra .
Sobrang laluma kasi ng mga iniisip nila . Yung mga kaklase kung lalaki naman ay kanya kanya din ng ginagawa , sina Matthew , Enzo , ethan , gab at carl pinapatahan at pinapakalma ang mga kaklase naming babae .
Napatingin kami kay Sam ng magsalita ito .
" Guys ..." Panimula niya ." Nagtataka lang ako .. kasi pansin niyo ? Kahit alam na ng mga kaklase nating namatay na pwede silang mamatay kapag binuksan nila ang pinto sa alas ng madaling araw . " Litanya niya." At saka hindi ko Alam kung ako lang ba ang nakakapansin nito pero feeling ko may nagmamasid satin ." Dagdag pa niya.
Bigla namang sumibol ang kaba at takot sa dibdib ko at alam kung hindi lang ako ang nakakaramdam ng ganito kasi bakas din sa mukha ng mga kaklase ko ang takot at kaba.
" Pansin mo din pala .. " biglang sabi ni yashin .
" Ako din pansin ko din yun .. " xyra .
" Pati ako " amanda .
Sunod sunod nilang sabi . Pero bakit sila lang ang nakakaramdam nun .
" Pero alam niyo guys , feeling ko dapat hindi lang tayo sa alas 3 ng madaling araw mag ingat .. kasi feeling ko din anytime pwedeng umatake ang killer na yun . " Sabi naman ni yashin.
Tama nga naman siya pero .. kung pag babasihan ang mga nangyaring pagpatay sa mga kaklase namin . Parehong alas 3 ng madaling araw sila namamatay base na din yun sa itsura ng mga natamo nilang sugat .
" Guys .. alam niyo feeling ko Kilala ako ng killer ." Biglang sabi ni xyra .
" Pano mo naman nasabi xy ?" Tanong ko.
" Eh kasi kanina nung nilibing natin si yumi bigla nalang may tumawag sa pangalan ko ." Sabi niya na tila nagtataka ." At ang pangalan na ginagamit niya ay ang ikalawa kung pangalan , yung Chantal at ang alam kung taong nag iisang tumatawag sakin nun ay kakambal kong si Xyrine chanto ." Mahabang sabi niya.
Nagulat naman kami sa huling sinabi niya .
" M-may kambal ka ?"Tanong ni Vince.
Nabaling naman ang tingin namin sa kanya saka tumingin kay xyra tumango lang siya .
" Asan na siya ngayon ? At saka bat ngayun mo lang sinasabi samin na may kakambal ka pala " sabi ni amanda .
Natahimik naman si xyra halatang nag iisip kung sasabihin ba niya oh hindi pero sa huli nag salita naman siya .
" Matagal ......... Na ...... Siyang ......................Patay ."
****""
BINABASA MO ANG
Class 4-D Vacation ( Completed )
Terrorhope you like reading this new story of mine :) so yeah Enjoy reading ?