Xyra's POV
Isang manika ? Sino naman kaya yun ? Ang alam ko wala naman kaming kaklase na may dalang manika .
Sino naman kay------
Manika ....
Xyrine .....
Hindi , imposible yun matagal ng Patay si Xyrine .
" Pwede ko bang malaman ang itsura ng babae ?" Tanong ko kay Vince .
" Ahm ... Kasing tangkad mo , kasing haba din ng Buhok mo yung kanya kaya Lang may bangs tsaka sobrang puti ng balat. " Pag dedescribe niya . " Ah may napansin din pala ako sa suot niyang damit ... Isang kulay black na dress na hanggang tuod .. yun pero kaya Lang dahil malayo siya di ko naaninag ang kabuoan ng mukha niya." Dagdag pa niya.
Natigilan ako ng marinig ang pag dedescribe niya sa babae ..
Para kasing si Xyrine ang dini describe niya .
'' hey ! Xyra ? Okay ka lang " napatingin ako kay yashin.
" Ha?" Sagot ko.
" Namumutla ka kasi , mabuti pa siguro magpahinga na muna tayo ." Suhestyon niya .
" Sige ..." Sagot namin sa kanya .
Sumikat nalang ang araw ay hindi ko pa rin magawang makatulog . Nakahiga parin ako at nakatutuk lang sa kisame ng kwarto .
Ang mga roommate ko tulog pa rin , alas 5 na kasi kami pumasok upang magpahinga .
" Chantal ....."
Napaupo ako dahil sa aking narinig , tiningnan ko ang mga kasama ko kung sila ba ang tumawag sakin , pero tulog pa sila ..
" Chantal ... "
Kinikilabutan ako ng umulit uli ang tumawag sakin pero alam ko na san nanggagaling ...
Sa babaeng nakaupo sa may paanan ng kama ko ,nakatalikod Ito sakin ..
" Si---si--sin--no k-ka ?" Utal na tanong ko .
Bigla itong humikbi , yung hikbing katulad sa mga horror movie .. yung iyak ng multo ganung ganun ang hikbi niya .
" Kung ganun .. hindi mo lang pala ako iniwan at ipinagpalit .. kinalimutan mo na rin ako "
Sabi niya , yung kaninang hikbi ay biglang nawala ..
Namutla ako at nanigas ang katawan ko ng biglang tumawa Ito ng nakakatakot .
" Di bale ... Magkakasama rin tayo .. "
Sasagot pa sana ako ng biglang may kumalabit sakin dahilan upang makasigaw at mapapikit ako .
" Xyra ... Huminahon ka .. ako to " rinig kong sabi ng familiar na boses.
Tumingin ako sa nag salita ..
" Yash ..." Mahinang usal ko.
" Ano bang nangyari sayo at nakatulala ka kanina , kanina pa kita tinatawag di mo naman ako pinapansin .. tsaka bat namumutla ka na naman ..." Sabi niya .. kanina pa ?? At nakatulala ?
Binalingan ko ulit yung babae kanina , pero mas laki akong kinilabutan ng nawala ito.
Sino ba yun ...
Nanginginig ang buong katawan ko .
Pero mas lalo akong nanginig ng biglang pumasok sina Matthew at ethan .
" Yashin , xyra , Sam ... Hindi tayo makakauwi ngayon " sigaw ni mat.
" Ano ?! " Sigaw nina Yash at Sam .
Ano bang nanyayari ...
BINABASA MO ANG
Class 4-D Vacation ( Completed )
Terrorhope you like reading this new story of mine :) so yeah Enjoy reading ?