Chapter 21

1K 32 0
                                    



Xyra's POV



  Alas sais ng umaga nagising ako sa kakaibang amoy , kaya ginising ko din ang ibang kaklase ko . Dito pala kami nakatulog lahat sa sala . habang ginigising ko sila ay napansin kong kulang kami .


" ah guys asan sina cathlia at vince ? " tanong ko . 


" baka nag sosolo sa kwarto alam niyo na .. " biro ni enzo na kakagising lang din .


" wala din si francheska . " sabi naman ni rena .


Nagkibit balikat lang ako . naamoy ko ulit ang kakaibang amoy, hindi ...... nakakasukang amoy parang ... parang amoy patay na ... tao.


" guys naamoy niyo ba ? " tanong ko sa kanila . napatingin sila sakin lahat at saka lang nila na pansin ang amoy . lahat kami napatakip ng ilong dahil habang tumatagal ay parang lumalala ang amoy  kaya dahil curious na din kami sinundan namin kung san nang gagaling . Pagdating namin sa kusina ay dun namin nakita ang mga bangkay ng mga kaklase naming kanina lang namin napansin na nawawala . Kulang ang salitang gulat dahil hindi lang isa ang nabawas samin kundi tatlo .


Nag iyakan naman ang kambal na zelle dahil isa sa bestfriend nila ang namatay , si cheska. grabe ang sinapit nila lalo na si vince na nawawala ang dalawang kamay at paa na nakahiga sa mesa na pinagkakainan namin . At ang ulo ni cheska ay nakahiwalay na sa leeg niya .


" napakawalang puso ng may gawa nito . " sabi ni rena ." Paano na naatim na gawin ang ganito ka brutal na pagpatay " . dagdag pa niya .


"hindi na tao ang gumagawa ng ganyan kundi demonyo ! " galit naman na sabat ni haley .


Napuno ng pag hihinagpis ang buong kusina . " ah boys pagtulongan niyong buhatin sila at tayo namang girls yung iba hanapin niyo ang kamay at paa ni vince ng sa ganun ay kompleto ang katawan niya pag inilibing na siya . " sabi ni yashin. " at yung iba naman maiwan dito kasama ko linisin natin ang mga nag kalat na dugo . " dagdag niya.



" Tama si yashin .. walang magagawa ang pag iyak nating to . pagkatapos nating gawin ang inutos ni yashin .. mag plano na tayo para makaalis na tayo sa impyernong lugar nato ." sabi naman ni amanda.



Naghihinagpis man ang iba ay wala ng nagawa dhil tama naman si amanda hindi na namin mabablik ang mga buhay nila . Pero nakakalungkot lang dahil nabawasan na naman kami . apat na araw pa lang kami dito pero anim na agad ang namatay . 



Sana naman may dumating para tulongan kaming makaalis dito dahil hindi ko na kaya ang mga nangyayari pilit ko lang pinapapalakas ang loob ko para hindi sila panghinaan alam kong ganun din ang iba . 



****** 

Class 4-D Vacation ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon