Prologue:

89 3 0
                                    

My Second Story! Please Support me!..

Play the soundtrack: Here's to never growing up by Avril Lavigne

~~~~~

Life is happier if you simply avoid two things, comparing yourself to others and expecting much from others. Sino nga ba ako? Ako si Allen, isang taong namumuhay sa kung anong sabihin ng iba, uto-uto na ba ang tawag dun? Hindi mo naman ako masisisi, madali akong magtiwala at maniwala. Pilit ko man iwasan ang mga bagay bagay na pwedeng makasakit sa akin, pero hindi ko magawa. Sira na nga talaga ang ulo ko. Hindi ko rin kilala ang tunay na ako, ang daming sikreto sa buhay ko na ngayon ko lang malalaman. Makakaya ko kaya?

Now i know why slides are made. It's for us to experience the happiness of falling even if there's no one catching. Tanga ba ako? Kasi nagmahal lang naman ako. Ako si Neizel, taong nabubuhay dahil may mahal, natanong ko na ang sarili ko kung mahal niya ako, pero sarili kong tanong hindi ko masagot paano pa kaya kung siya ang tanungin ko? Tanga, baliw at wala sa sarili kapag kaharap ko siya, pero iba ako 'pag dating sa ibang tao. I'm dark inside, a monster, no one loves me, but do you think matututunan niya kaya akong mahalin?

One day someone will change your perspective from bitter to sweet and from broken to complete. Dumating na nga ang araw na ito, ang araw na nakilala ko siya, akala ko wala na akong pag-asa, pero nagpakita siya sa akin. Ako si Moon, isang lalaking walang wala but now I'm complete because of her.

There's a danger loving somebody too much. Ako si Kona, mali ba ang magmahal ng todo? Yung ibibigay mo ang lahat lahat ng best mo para sa kanya? Yung andiyan ka palagi sa tabi niya? Yung magmahal ng patago kasi may mahal siyang iba? Okay lang sana na aminin ko sa kanya, kaso bakit ang bestfriend ko pa ang minahal niya? Masakit, pero hindi ko naman masisisi ang bestfriend ko, ako ang may mali, hindi ko kasi inamin agad.

Love is not only made for lovers, it is also for friends who love each other better than lovers. Nakakatawang isipin yung mga bagay na alam mong hindi na talaga para sayo pero pinagpipilitan mo pa rin. Anong magagawa ko? Tao lang ako, lalaki rin ako na marunong magmahal, ako lang naman si Blood. Pamatay nga pangalan, pero bakit hindi niya ako mapansin? Siguro natakot siya sa pangalan ko, alam kong darating din ang panahon na may magmamahal sa akin.

It's better to end something and start another, than to imprison yourself in hoping for nothing. Masama bang umasa? Ako ang unang nakakilala sa kanya, ako ang bestfriend niya, ako ang kasama niya dati, ako si Lester. Alam kong nagkamali ako, pero past is past, pwede naman sigurong kalimutan na lang yun at magstart ng panibago, bakit ba hindi siya pwedeng maging akin? Ang tanga ko kasi, hawak ko na binitawan ko pa.

Everyone has evil inside them and the first step to loving anyone is to recognize the same evil in ourselves, so we're able to forgive them. I'm the evil one, I'm Maicha, but one thing is for sure, nagbago na ako, pinagsisihan ko na lahat ng mali kong nagawa simula nung nakilala ko siya. Pero bakit ngayon lang ako sinusundo ni karma? Kung kelan masaya na ako.

Girls only say "i hate you" to the boys they love. Mahal na mahal ko siya, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nawala pa siya sa buhay ko. Ako si Gelli and I love Jerome, siya na ang mundo ko, kuntento na ako sa kanya, masaya ako sa kanya at wala na akong masasabi pa kung hindi mahal ko siya.

Boys are made by God to protect girls, so if you hurt girls, sorry dude! you're not a man. Jerome here! Wala na akong dapat pang sabihin, naririnig niyo naman ang puso ko, isa lang sinisigaw niyan, 'GELLI!'. Pero mapapatawad niya kaya ako sa kasalanan ko?

Written by: watashiAM

Inspired by: Tonari no Kaibutsu-kun [Ang ibang part po ng book na ito ay itinulad ko sa Tonari no Kaibutsu-kun, kasi naisip ko ang story na to dahil sa manga na yan. Yun lang po.]

•True Love•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon