CHAPTER 14:

33 1 0
                                    

Allen's POV

"Kona.."

"Allen, ngayon ko na mapapatunayan sa iyo na inosente ako." Seryoso naman nito.

May binigay siya sa akin na envelope, binuksan ko ito, may nakita ako na CD at ibang papers, hindi ko maintindihan kung ano yung nakasulat. English kasi, joke lang.

"Panuorin mo muna yung nasa CD para magets mo yung nasa papel."

Sinunod ko naman siya, mabait kasi akong bata. Well pardon.

Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko, totoong si Maicha ang nag-utos na ipabugbog ako, nakita ko na rin yung scene na sinasabi ni Kona, yung tinakot siya ni Maicha na kapag hindi ako layuan. Ang lahat pala ay kagagawan ni Maicha, huwag na huwag siyang magpapakita sa akin. Masasapak ko siya.

"Okay na ako Kona, salamat nga pala sa pagdala mo sa akin *hik* sa hospital *hik* tsaka sorry ah *hik* hindi kasi ako naniwala sayo. HUWAAAH!" Umiyak na ako. Napakaiyakin ko talaga kapag si Kona yung kasama ko.

"Ssshh...okay na yun, tahan na, kasalanan ko rin dahil hindi ko sinabi ng mas maaga sayo."

"Sorry *hik* talaga *hik* bessiepot!"

After 30 minutes lumabas na kami sa computer lab.

"Ay yung sa papel hindi ko pa nababasa, wait--"

"Ano 'to?" Moon? Inagaw ni Moon sa akin yung mga papel.

"Ah...eh...yung.." -Kona

"Yung? Wag mong sabihing ito yun?" Tanong ni Moon kay Kona.

"Yan nga." Sabi naman ni Kona, may tinatago ba sila?

"Hindi niya ito pwedeng malaman Kona." -Moon

"Ano ang hindi ko pwedeng malaman?" Tanong ko.

"Secrets ko." -Moon.

"Ahehe! Oo yung secrets yan ni Moon, balak ko sana ipakita sayo para may pangblackmail ka. Haha!" -Kona

"Ang daya naman! Hmp!" Bakit si Kona alam niya? Tapos ako hindi? Ang daya ng dalawang ito!

"Dahil diyan paparusahan kita Kona." -Moon

"Pero Moon..." -Kona

"Bagay kayong dalawa, alam niyo yun?" Sabi ko, walang halong biro, nagsasabi ako ng totoo.

"Ehh?" -Kona

"Alam mo Moon, ligawan mo na yan bago ka pa maunahan." Sabi ko.

"Papayat muna siya bago mangyari yun." -Moon

HAHAHard! Grabe ka Moon! Alam mo bang ayaw ng mga babae yung ganyan, feeling kasi nila ang taba taba nila sa paningin ng iba.

"Aha-ha-ha! O-oo nga, hindi niya talaga ako magugustuhan." -Kona. Ahmmm, may naamoy ako.

"Umalis ka na nga Moon, girl talk kami dito, bakla ka ba?"

"Opo ma'am! Ito lang naman ang kailangan ko, Kona humanda ka na mamaya." -Moon.

Tingnan mo tong lalaking to, problema nun? PMS? Ang hirap talagang basahin ng mga lalaki! Try ko kaya maging lalaki? Cross dress kaya ako minsan, pangarap ko yun dati pa.

"Bessiepot, may gusto ka kay Moon no?" Tanong ko kay Kona, hindi naman ako excited, feel ko lang maging match-maker.

"H-ha? W-wala ah! Ahaha! Hindi mangyayari yun, ikaw gusto nun eh."

"Bessiepot, huwag ka nga. Hindi ka mataba, sexy ka nga eh, isa pa feeling ko nanay ang turing nun sakin hindi isang ka-opposite sex." Pag-eexplain ko sa kanya.

•True Love•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon