CHAPTER 40:

7 1 0
                                    

A/N: Wag sana kayong magsawa sa song....themesong lang talaga yun kapag may namamatay...feel ko kasi yung song habang ginagawa yung chapter....try niyo patugtugin...mafifeel niyo ko...hahaha!!...yun lang....enjoy reading!!...(sana maenjoy.)

Lapit na talaga matapos! Siguro sa sunday tapos na.
Short update! (ata?)

~~~~

Neizel's POV

Hindi ako makakilos sa kinauupuan ko, katabi ko si Allen sa right side, she's crying and crying really hard while holding Kona's hand. I don't know what to do.

What else can I do? Ano pa ba ang magagawa ko bukod sa titigan ang wala ng buhay na si Kona?

Una sa lahat ng mga tanong na pumapasok sa isip ko ay bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito? Diba dapat kasama niya ang tatay niya sa bahay nila? Hindi ba't sinabihan na namin sila na huwag silang aalis ng bahay nila kahit na anong mangyari?

Pangalawa, bakit nandito si Allen? Ang huling usap namin ay nanunuod lang siya ng anime. Tinawagan niya pa ako diba? So bakit nga nandito siya at hawak hawak ang kamay ni Kona habang umiiyak?

Pangatlo, sino ang dahilan ng gulong ito?

"Neizel....wala na si Kona....nabawasan na naman tayo...."

"Allen ano ka ba,....malay mo manikin lang yan....alam mo na...puno ng puppet ang room na to...."

Pero kahit gumawa ako ng mga bagay para lang paniwalain si Allen na hindi si Kona yun, hindi pa rin maitatanggi na siya yun dahil sa puno rin ng dugo ang damit niya.

"Si Kona....yung bestfriend ko Neizel....BAKIT! BAKIT HINDI NA LANG AKO! DALAWANG TAO NA ANG NAWALA! DALAWANG IMPORTANTENG TAO NA ANG NAWALA SA BUHAY KO!"

Niyakap ko siya pero patuloy pa rin siya sa pagsigaw habang sinisisi ang sarili niya sa mga nangyari.

Hindi namin namalayan na may isang taong lumapit sa amin at umupo sa tabi ni Allen. Hindi lang pala siya nag-iisa. May kasama siya at hindi namin inaasahan na pupunta sila.

Nakangiti niyang kinuha ang ulo ni Kona at nilagay sa lap niya, nakangiti pero patuloy ang pagtulo ng mga luha niya. Sorry bro, wala akong nagawa.

♪I'm telling you
I softly whisper
Tonight tonight
You are my angel♪

"Ayos din....ayos talaga.....ayos lang....hindi naman masakit....ha..ha..ha....diba Neizel?....diba Allen?....diba Jerome?....diba Gelli?....diba hindi naman masakit?....tangina naman oh...sinabing hindi nga masakit bakit ayaw tumigil ng mga luha ko?"

Lahat na kami dito ay kinalimutan ang magugulong nangyayari sa labas at nag-iiyakan dito dahil sa pagkawala ni Kona.

♪aishiteru yo
futari wa hitotsu ni
Tonight tonight
I just say...

Wherever you are, I always make you smile
Wherever you are, I'm always by your side
Whatever you say, kimi o omou kimochi
I promise you "forever" right now♪

"Sinong gago ang gumawa sa manikin na 'to?....Fuck you siya....tangina talaga....bakit kamukha ni Kona?....bakit?....alam niyo yung puso ko....dug....dug....dug....ganyan yung tibok ng puso ko...parang nawawalan na ng pag-asa....parang gusto na rin tumigil...."

Iniwan na kami ni Kona, iniwan na niya si Moon na ngayon ay hawak siya at hindi mapigilan ang sarili na magmura.

Kahit sino naman ang mawalan ng taong mahal sa buhay, wala ng magagawa kundi ang magmura.

•True Love•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon