CHAPTER 36:

8 1 0
                                    

Allen's POV

December 19, 6 days before christmas and 3 days before the auction.

Hindi na ako natatakot na pumunta si L. Bantay sarado siya ng mga tauhan ni Daddy. Hindi rin naman daw siya umaalis sa bahay nila.

"Kinakabahan ako Allen."

"Ano ka ba, huwag kang kabahan. Matutuwa yun kahit nga magpakita ka lang sa kanya. Alam mo, mabait na tao si Lester, kahit ano tatanggapin niya, hindi yan mapili."

"Alam ko naman yun, pero kasi....Aaah! Nakakafrustrate kasi yung kabog ng dibdib ko. Yung makita ko lang siya ang bilis ng tibok ng puso ko." Nasabunutan niya pa ang sarili niya.

"Ang lakas ng tama ni Lester sayo ah."

"First love ko siya, iba kasi talaga yung pinaramdam niya sakin. Totoong pagmamahal na ngayon ko lang naramdaman."

Ang sarap talaga makinig sa mga ganitong love story. Yung kahit kwento lang pero ramdam mo na totoo. Yung ganung feeling.

Bihira na lang talaga sa panahon ngayon ang seryoso at totoo magmahal. Yung iba kasi dinadaan lahat sa trip, landian at laro.

Hindi ba sila aware na maraming nagbabago ang tingin sa true love? Marami ng hindi naniniwala dahil sinisira ng iba ang true meaning ng true love?

Bago ko makalimutan sabihin, sinabay na nga pala ang concert ng Death the Soul sa birthday ni Lester. At ito nga kinakabahan si Maicha kasi first time niyang gagawin ang surprise niya para kay Lester. Pagkatapos pa naman yun ng concert.

15 minutes na lang magsisimula na, nakakatuwang isipin na kasama si Neizel sa banda ng kapatid niya. Sana magkabati na sila.

"Maicha, restroom lang ako ah." Paalam ko sa kanya. VIP naman kami kaya hindi hassle.

Pupunta ako ng restroom para may kausapin. Bigla kasi akong kinabahan at hindi ko gusto yun.

Nakaapat pa na ring bago may sumagot.

"Where is she?"

[She's sleeping.]

"Are you sure? Will you please check her room?"

Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto sa kabilang linya. Sinisiguro ko kung natutulog nga lang si L.

[She's here.]

"Thanks Mikael."

Binaba ko na ang phone at palabas na ako ng restroom ng biglang namatay ang ilaw.

Not now, please. This is not happening.

Naglakad ako palayo sa pinto at tiningnan ko ang bawat cubicle kung may tao. Tsaka katabi nung pinto yung switch kaya imposibleng may magpatay nun.

Wala.

Walang tao, wala akong kasama dito sa restroom na 'to. Short circuit? Siguro nga, masyado lang ako paranoid ngayon dahil sa lintek na kaba.

Pagbukas ko ng pinto may papel sa ibaba, pinulot ko yun at binasa ko. Mas lalong lumakas ang kaba na nararamdaman ko.

Can you tell him, Happy Birthday? By the way, the game has only just begun.

Walang pangalan, alam ko kung sino ang tinutukoy sa papel na 'to. Yung nasa likod, picture ni Lester. Yung natanggap ko dati.

L

Kahit hindi mo nilagyan ng pangalan mo, alam kong ikaw 'to. Hindi mo pwedeng idamay ang bestfriend ko.

"GOOD EVENING!"

"KYAAAH! DTS!"

"YOU'RE SO HANDSOME CALVIS!"

•True Love•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon