CHAPTER 29:

10 1 0
                                    

Jerome's POV

Morning world! Morning sa inyong lahat! Remember M? Remember E? Remember me? Totoy bibo!

O well wishing well? Corny ko na, gusto ko lang ipaalam sa inyo na monthsary namin ni Gelli ngayon, anong pwedeng gawin?

A. Pumunta sa simbahan at mangumpisal. Ang dami ko na kasing kasalanan sa kanya, lalo na kapag sa school, hindi ko naman kasi akalain na sisikat ako sa mga girls, kaya yun, yung mahal ko, sobrang nagseselos. Napost kasi yung picture ko sa SLRA Handsome sa FB.

B. Pumunta sa kanila at mambulabog. Magkaaway pa rin kasi kami hanggang ngayon. Ang saya diba? Araw araw nga akong nanghaharana sa kanya kahit na umuuwi akong basa. Nung isang araw nga nagkamali siya ng tapon sa akin. Yung arinola na may bagong ihi ng alaga niyang aso yung nabuhos niya sa akin. Kulang ang sampung paligo!

C. Kidnapin siya at ikulong sa bahay ko. Wala na akong ibang maisip na paraan para mapasama siya sa akin, alam ko naman na mag-iinarte pa yun. Girls nga naman, papakipot pa bibigay din naman, konting lambing lang. Pasalamat talaga kayo girls tapat kaming magmahal!

Boto lang kayo mga ka-people, A, B or C, para sa unang round natin. Kung sakaling palpak yang tatlo, may second round tayo ng pagpipilian.

"Tol problema mo?" Tanong ni Moon, magkasama kasi kami kanina pa. "Masyadong malalim ang nasa isip mo, baka pwedeng sagipin kita."

"Tol, hindi ko kasi alam kung anong absolute value ng -7." Seryoso kong sabi.

"Alam ko sagot diyan." Nakangiti niyang sabi sabay angat ng palakol. "Eto tol! Gusto mo?"

"Saan mo nakuha yan? Tol ilayo mo yan sa akin!" Natataranta kong sigaw sa kanya. Hayup na Moon yun! Saan niya nakuha yung palakol na yun? Nagjojoke lang naman ako!

Alam ko naman na -7 pa rin ang sagot dun. Tama ba? Haha! Joke!

"Seryoso ako Tol, kung gusto mo pang mabuhay, umayos ka ah?" Sarcastic niyang sabi.

"Oo na Tol, ang problema ko talaga, kung bakit Lapu-lapu yung sagot ng pamangkin ko nung tinanong ko siya ng 2+2." Hawak ko pa ang baba ko nung sinabi ko yan.

"Lapu-lapu? Gusto mong ikaw naman ang pagawan ko ng statwa sa Luneta?"

"Joke lang Tol, minsan lang ako ka-sweet sayo, pagbigyan mo na, kakabirthday mo lang nung isang araw, inaatake ka na ng high blood."

"Kasi naman, hindi ko pa rin mahanap yung nagpaamoy ng 003 Smoke kay Kona."

"Ano yung 003 Smoke? Bagong brand ng shabu?"

Hindi ko alam yun ah! Buti pa si Kona naamoy niya na, adik din pala ang amazonang yun ah!

"Ha! Papaamoy ko yun sayo at sisiguraduhin kong hindi ka sa langit pupunta, tumigil ka na hangga't kaya ko pang magtimpi sayo."

High blood talaga tong si Moon ngayon, bakit nung nag18 ako hindi naman ako ganito, ang totoo pa nga niyan kulang pa ako sa blood nun. Napakaloko kasi ng aso ko, kinagat ako, naging bampira ang ulol. Joke!

Ang talino ko talaga nuh? Hindi ko pa nasosolve ang problema ko kay Gelli nakakapagjoke pa ako.

Eh kung tumawag kaya ako kay Papa Jack at hihingi ako ng advice? Diba diba?

"Tol, peram ako ng phone mo, palaro lang ako ng zombie highway."

"Huwag mong lobatin ah, kailangan ko yan."

"Makakaasa ka Tol!"

Okay? Anong number ni Papa Jack? Ahmmm. 538-6660? Tama diba? Kung mali man, pwede naman akong magsorry.

•True Love•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon