CHAPTER 28:

9 1 0
                                    

Neizel's POV

"Waaaah! Anong ginagawa mo dito?" Sigaw ni Allen.

Ang sama ng tingin ko sa kanya at kay Calvis, bakit niya hinayaan na halikan siya ni Calvis? Tae naman oh!

Kahit na alam ko na ang lahat lahat about sa kanila, natural lang na masaktan pa rin ako dahil tao lang rin naman ako at lalaki ako! May damdamin din ako.

Hindi naman kasi talaga ako umalis ng Pinas. Kung bakit kasi ang sama sama ni tadhana sa mga taong masasaya na.

Nung nakipaghiwalay si Allen sa akin, ang totoo niyan alam ko naman na gagawin niya yun sa oras na malaman niya ang totoo.

Yung araw na yun, yun din ang araw na nalaman kong heiress siya ng Bautista Clan ang mortal enemy ng clan namin.

Ang gulo diba? Magkaiba kami ng nalaman, ang sabi sa akin ni Dad si Lance Bautista ang pumatay kay Lorraine, well hindi ko naman siya kilala. Tapos biglang nalaman ko kay Moon na, ang sabi kay Allen, si Dad ang pumatay.

Magulo pa sa ngayon pero alam kong, malalaman din namin ang totoo. Kailangan lang ng tamang oras at panahon.

Nung araw ng flight ko dapat, kinontact ko si Moon noon, hinanap ko si Maicha sa kanya. Then napag-alaman kong kasama niya ito kaya nagpunta ako sa secret place nila.

Nalaman ko rin na hindi naman pala buntis si Maicha, sa mga oras na yun, ang sarap niyang balatan ng buhay! Napaniwala niya ako na may anak kami? Ang tanga ko!

Kaya hindi na rin ako tumuloy sa London nung araw na yun, pinuntahan ko si Allen nun pero tinaboy niya ako. Ang nasa isip ko lang, may reason din siya kaya dapat respetuhin ko ang desisyon niya.

Hindi pa nga ako natinag at nakiusap ako kay Jerome na kausapin si Allen. Pero wala na talaga, alam kong naguguluhan lang siya sa mga nangyayari. We just need time.

Yung akala niyang umalis ako, hindi, patuloy ko siyang binabantayan, simula nung nagbreak kami, well hindi ko tanggap yun, hindi siya naalis sa paningin ko. Palagi akong nakasunod sa kanya, kaya araw-araw alam ko kung anong ginagawa niya.

Ang nakakainis na part ay yung nakita ko siyang may karga na baby at kasama yung kupal na si Lester. Gustong gusto ko ng sugurin sila nun pero hindi ko magawa dahil malalaman niyang hindi ako umalis. Kaya ang nagawa ko na lang, binalatan ko ng buhay si Lester at pinakulo sa sobrang init na mantika. Sa isip ko lang.

Tinawagan ko si Matt para makasiguro kung sino yung baby na yun, nakahinga ako ng maluwag nung malaman ko ang totoo.

Sa mga araw na rin na yun, hindi mawawala yung mga taong gustong pumatay kay Allen, well hindi nila magagawa yun, dahil dadaan muna sila sa akin. Pansin ko lang puro well yung sinasabi ko. Pansin niyo rin?

Nagdaan ang weeks, nasaksihan ko rin yung pagsama ni Allen sa practice nila Calvis, doon ko nalaman na si Calvis pala yung nakita kong kamukha ko sa isang photo album na nasa unit ni Allen.

Sa tuwing nakikita kong magkasama silang masaya, nasasaktan ako, that should be me.

Nakaramdam ako ng matinding selos, nararamdaman ko sa bawat ngiti ni Allen, gusto niya si Calvis. Matagal na silang magkakilala, una niyang nakilala si Calvis. Una niyang minahal. Mahal nila ang isa't-isa at ang sakit.

Anong laban ko sa First Love?

Nung dumalaw si Allen kay Kuya Ken, yung araw na dadalaw rin si Calvis, sa isip ko. Sinusundan niya ba si Allen?

Dahil may bantay sa harap, sa may bintana dumaan si Calvis, hindi niya siguro napansin, nasa iisang puno kami, mas mataas nga lang yung akin at natatakpan ako ng mga dahon.

•True Love•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon