CHAPTER 18:

23 1 0
                                    

Neizel's POV

Evil: WOAH! Pinagpalit ka na pala kay Bff! HAHAHA!

Good: Baka may masamang nangyari kaya ganyan.

Evil: Mamaya magkikiss na yan. Kissing under the rain, masaya yun!

Good: Tumigil ka nga diyan! Hindi ka nakakatulong!

"Tama na."

Hindi ko na kayang pigilan pa. Masakit. Kanina pa ako nagpipigil, magkakasakit ako sa ginagawa ko. Hindi ko na talaga kaya.

"ALLEEENN!"

Sigaw ko sabay takbo papunta sa kanila.

Allen's POV

"Hatid na kita sa inyo, delikado na dito, papunta na rin ang mga pulis." Sabi ni Lester na nakayakap pa rin sa akin.

"Si---"

"ALLEEENN!"

-____-

Kilala ko yun, ano na naman kailangan niya? Sabi ko ayokong makita siya ngayon.

O_____O

Bigla niyang hinila yung kamay ko at tumakbo kami, saan niya ako dadalhin?

Pinigilan ko ang pagtakbo namin sa abot ng makakaya ko dahil sobrang lakas ni Neizel, baka ma-out of balance kami.

"Teka Neizel, ano bang ginagawa mo? Hindi mo ba nakita na kasama ko si Lester?"

Naglakad naman ako palapit kay Lester pero agad nagsalita si Neizel.

"Diba pangako mo, sabay tayong lalaban? Walang iwanan?"

Tama, nangako nga ako na sabay kaming lalaban at walang iwanan. Pero hindi kasi matanggap ng puso ko yung nangyari. Siguro kailangan nga namin mag-usap ngayon.

"Lester, sorry sa abala, pero kailangan kasi naming mag-usap, babawi na lang ako sayo."

"Wala yun, ako nga ang dapat bumawi sayo eh."

Napaka-understanding talaga ng bff ko.

Pagkaalis ng bff ko ay hinarap ko na si Neizel na nanlilisik ang mga mata ko.

"Hindi ko na mapigil Allen..."

Huh? Ano bang pinagsasasabi nito? Anong hindi mapigil? Teka, madilim dito at wala masyadong tao ang nadaan, huwag mong sabihin na balak niyang....

"N-neizel, huwag k-kang lalapit sa akin...."

Napalunok ako dahil palapit ng palapit si Neizel sa akin, ito ba ang hindi niya mapigilan? Masasapak ko talaga to.

Hinawakan niya ang kamay ko, akala ko yung dati niyang hawak na mararamdaman kong safe ako, pero hindi, ang higpit ng hawak niya sa kamay ko.

"Allen...."

Y-yung boses niya, parang yung hindi na nga talaga niya kaya. Anong gagawin ko? Makikipagpalit na ba ako kay Ayah? Pero hindi, baka kung anong gawin ni Neizel.

"Allen....na....ta...ta...e ako."

-______-

Yung totoo?

Alam mo yung kabadong kabado ka dahil hindi mo alam kung ano yung balak niyang gawin tapos biglang ganun? Tinakot niya ako o sadyang mali lang talaga yung takbo ng isip ko.

"H-hindi k-ko na k-kaya, t-tumakb-bo na t-tayo....l-lalabas na a-ata.."

"Ang bopols mo talaga! Bilisan natin! Kapag ikaw nagpasabog dito break na tayo!"

•True Love•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon