CHAPTER 30:

8 1 0
                                    

Lester's POV

Malas ko naman pagdating sa pag-ibig. Bakit kasi ang bagal ko? Wala na, hindi na ako pinayagan manligaw ni Allen. Si Neizel na kasi ang nasa puso niya.

When people walk away from you, let them go. Your destiny is never tied to anyone who leaves you.

Sabi yan ni Anne sa akin dati bago maging kami. Siya ang palagi kong kasama nung naghiwalay kami ni Maicha.

Maicha and I used to be lovers. At first, we called it game but the next thing we knew, we fall for each other.

Ang saya namin ni Maicha, mag-aaway man kami pero hindi matatapos ang araw na hindi kami nagbabati.

Kaya nga nagulat na lang ako, isang araw nakipagbreak siya sa akin, hindi niya man lang sinabi ang dahilan at umalis na siya.

Parehas sila ni Anne, parehas nila akong iniwan. Kaya nga binalikan ko si Allen, ako kasi ang nang-iwan sa kanya, kaya alam kong hindi niya ako iiwan, but I was too late.

Ngayong nagkita uli kami ni Maicha, hindi ko alam pero muling tumibok ang puso ko. Siya kasi ang first love ko, pinaniwalaan ko na rin na siya ang true love ko.

I truly care for Maicha, her mistakes never change my feelings. Because my mind will get angry, but my heart still cares.

I know she still loves me, I can feel it and I can see it in her eyes.

Makapagkape nga muna, para makapag-isip ako ng idea.

"One black coffee please." Sabi ko sa counter.

"Lemon tea with honey." Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Kilala ko ang boses na yun at siya lang ang kilala kong may kakaibang panlasa.

"Maicha?/Lester?" Nagkasabay pa kami.

Parehas naman kaming tumawa sa nangyari pero hindi pa rin maaalis ang word na awkward.

Napansin ko naman na wala siyang kasama kaya sinamahan ko na siya sa isang table. Magkatapat kami at tahimik lang. Nakakakaba naman to.

"Ahmmm..../Ano....." Sabay na naman kaming nagsalita.

"Ikaw muna./Ladies first." Ow, nang-iinsulto ata ang tadhana ah, ayaw kaming pagsalitain.

"Okay. Ako muna, Lester how are you?"

"I'm fine, as you can see, I'm breathing, I'm walking and talking to you."

"No, what I mean, how are you after the break up, ahmmm.....I mean....do you....ahmmm..." Hindi niya matapos ang sentence niya o kung ano man ang gusto niyang itanong sa akin.

Sakto namang dumating na yung order namin kaya nabigyan siya ng pagkakataon na makapag-isip.

Kinuha niya yung Lemon tea niya with honey, ano kayang lasa nun? Tea with honey? Hindi ba kadiri yun?

"So, anong tanong mo?"

"Ahmmm....may girlfriend ka na ba?...hoy huwag kang assuming ah, nagtatanong lang naman ako."

Hindi pa rin siya nagbabago, siya pa rin ang Maicha na minahal ko, ang magtatanong na may kasamang explanation.

"Soon. You?"

Nakita ko naman ang pagkalungkot sa mga mata niya. Nakatitig na lang siya sa lemon tea niya. Hindi niya ba nagets yung sinabi ko? Sabi ko soon, you. Kung sabagay patanong kasi yung pagkakasabi ko ng you.

Bakit ka malungkot Maicha? Umaasa ka ba na magkakaroon uli ng tayo? Umaasa ka ba na magkakabalikan tayo? Mahal mo pa ba ako Maicha?

Gusto kong isunod lahat ng tanong ko sa sagot ko kanina, pero hindi ko magawa. Bakit? Kasi natatakot ako na mag-expect na mahal niya ako pero hindi naman pala.

•True Love•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon