CHAPTER 27:

9 1 0
                                    

Allen's POV

Tutulungan kita...

After niyang sabihin na tutulungan niya ako bigla na lang siyang kinuha ng isang babaeng lumilipad.

*FLASHBACK*

"Anong tulong?" Tanong ko.

"Isipin mo kung anong tulong ang pwede kong magawa."

May exam ba ngayon? Ang sakit ng ulo ko kakaisip sa pwedeng tulong na gagawin niya.

Nawala tuloy yung momentum ko kaka-emo dito.

"CALVY OPPA!!!!"

Napatakip ako ng tenga ko sa sobrang lakas ng boses na narinig namin mula sa langit.

May hawak kasi siyang megaphone. Oo megaphone talaga at ang malaking speaker sa helicopter niya.

"Patay tayo! Nakita niya ako!" Sigaw ni Calvis.

Kilala niya yung babae?

"OPPA! WALA KA NG TAKAS!"

Ang sunod na nangyari, lumipad ang babae, ay hindi pala tumalon kasi siya. May tali naman siya kaya hindi siya nahulog.

Saktong tatakbo na si Calvis pero bigla na lang siyang niyakap nung babae sa waist niya at hinila siya pataas.

"ALLEN! HELP!" Sigaw ni Calvis.

Anong ginawa ko? Ay mali, ano itsura ko? Eto nganga! Ano yun? Nananaginip ba ako? Hindi naman diba?

Kasasabi niya lang tutulungan niya ako tapos biglang 'Allen! Help!'?

*END OF FLASHBACK*

Andito pa rin ako sa may puno naka-nganga. Hindi ako makaget-over sa nangyari.

Sino yung babae?

Huwag na lang pansinin kasi lalong sumasakit ang ulo ko.

Tumayo na ako dahil pinapapak na ako ng mga lamok dito.

Tapos biglang...

*BOOGSH*

Ang tanga mo Allen! Broken hearted ka lang naging bulag ka na?

Natapilok lang naman ako sa isang maliit na bato. Sana walang nakakita kung hindi, drag me to hell na!

"Miss okay ka lang?"

Sabi ko nga eh, may nakakita! Stay cool Allen!

"Huh? Oo naman, may hinuli lang ako."

"Hinuli? Alin?"

Ano nga ba hinuli ko? Dapat sinabi ko na lang na okay lang ako at umalis na ako.

Bakit kasi tinatanong niya pa? Sana umalis na lang siya!

Isip isip Allen!

Aha!

"Yung piso ko kasi tumakbo, hinuli ko, Ah-ha-ha-ha!" Drag me to hell! Please!

Umalis ka na kuya, okay na ako diba? Yun lang naman yung kailangan mo diba?

Bakit ba ang daming FC ngayon?

"May piso na pa lang tumatakbo ngayon."

-____-

Naniwala siya? Yung totoo? Saan siya galing planeta? Kung dito siya sa pinas malamang kanina pa ako tinatawanan ng iba dahil sa katangahan ko.

Sa sobrang inosente niya, umalis siyang iniisip kung totoo yung sinasabi ko.

"Kailangan kong makakita ng pisong tumatakbo." Pahabol niya.

•True Love•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon