CHAPTER 24:

15 1 0
                                    

Allen's POV

Dahil ayokong malagay sa panganib si Lester, sinabi ko sa kanya ang tungkol sa akin.

Siya na lang din kasi palagi ang kasama ko, nagtatampo pa kasi si Jerome sa akin, hindi naman ako malapitan ni Gelli dahil baka mag-away lang sila.

Sila Moon at Kona hindi ko pa rin alam kung na saan na. Si Blood naman busy sa school.

Si Lester na nga lang talaga yung karamay ko ngayon.

"Anong plano mo ngayon?"

"Maniningil ng utang."

"Magkano utang? Akala ko ba mayaman sila?"

Seryoso na kami eh, alam mo yung feeling ko na parang nasa movie na kami.

Nakikinig ba si Lester sa mga sinasabi ko o kanina pa ako daldal ng daldal dito pero lutang isip niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Kidding! Ang seryoso mo kasi masyado, tatanda ka agad niyan."

"Sorry, punong puno na kasi yung utak ko ng problema, nakalimutan ko na magsaya."

"Gusto mo gumala tayo?"

Napatingin naman ako sa sinabi niya, nakikinig ba talaga siya sa mga sinasabi ko? Isa akong problemadong tao, wala akong time para gumala, ang dami ko pang lessons na dapat habulin dahil 2 weeks din akong absent. Uupakan ko tong si Lester eh.

"Hilig mo magjoke nuh?"

"Seryoso ako." Ngayon naman siya yung seryoso, nagpapalit ata ng kaluluwa tong si Lester, hindi ko magets takbo ng utak. "Sige na Allen, please? Pagbigyan mo na ang gwapo mong bestfriend!"

OMG! Hindi talaga siya si Lester 9 years ago. Nagpapacute siya ngayon.

"One condition, ikaw manlilibre."

"Yun naman talaga plano ko."

"Sige, tatapusin ko muna yung make-up class ko tapos gala na tayo."

"Sige!"

"Pero next time na lang talaga, kapag hindi na ako busy."

"Sige na nga, hindi naman kita mapipilit eh."

Kung hindi ko lang siya bestfriend hindi ako papayag, kung hindi lang siya cute kanina hindi ako papayag at lalo na kung hindi lang ako mabait hindi ako papayag.

Dumaretso na ako sa faculty room para sa make-up class ko.

Hindi naman sa pagmamayabang madali naman akong nakasunod dahil matalino naman talaga ako.

Isang linggo ko lang inaral lahat ng lesson sa loob ng 2 weeks kong pag-absent.

Nakapag-exam na rin ako at miss ko na si Neizel. 1 week na simula nung umalis siya. Ang bagal ng oras kapag hindi ko siya kasama.

Feeling ko tuloy isang taon na siyang wala sa tabi ko sa sobrang bagal ng araw.

Isang linggo na rin akong hindi pinapansin ni Jerome at Gelli. Hindi ako sanay na walang weird sa paligid ko. Isang linggo na pero hindi pa rin okay si Kuya.

Dahil sa kalokohan ko hindi lang mahal ko nawala pati kaibigan. Sana huwag na sa pamilya.

Isang linggo na rin akong nagtetraining, lahat ng kaya ni Ayah pinag-aralan ko, judo, aikido, lahat ng pang self-defense, humawak ng baril, ng knife at sa mga business ni Daddy.

Before christmas pupunta akong Europe para ipakilala ako ni Daddy.

Kamusta na kaya si Neizel sa London? Kumakain kaya siya ng marami? Masaya kaya sila ni Maicha? Bakit ko ba siya iniisip? Paano ako makakamove-on?

•True Love•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon