CHAPTER 6:

40 1 0
                                    

Allen's POV

Ang sakit ng ulo ko.

O_________O

Bakit iba na yung short ko? hala!

"GELLI!" sigaw ko kahit na malapit lang siya sakin. Mukhang tulog mantika ehh.

O___________O

HALA! bakit katabi ko si Neizel? ano to? IBA YUNG SHORT KO TAPOS KATABI KO PANG NATULOG TONG KUMAG NA TO?

"Ano ba Allen ang aga pa, wala naman tayong pasok.." walang gana niyang sinabi at halatang naiirita dahil naistorbo ko ang tulog niya.

"B-bakit katabi ko to? Tapos i-iba yung sh-short ko?"

"HAHAHAHA! Wala ka talagang naaalala?"

"Gago ka ba? Itatanong ko ba kung meron?"

"Sige! Magmura ka pa! ikaw na nga tong nagtatanong ikaw pa tong galit?" Sigaw at inis niyang sinabi sa akin, ganito kami ni Gelli, kaya nga hindi na ako magtataka if one day nagmumura na yan, mahahawa na yan sa akin.

"SORRY PO! kasi naman ano bang nangyari? Bakit parang hindi sumasakit yung ulo mo?" Oo nga, parang natural lang sa kanya, sanay na kaya ito mag-inom?

"A-ah..kasi nagising na ako kanina, tapos uminom na ako ng gamot, ahaha!"

"So..nakita mo ba kung bakit iba ang short ko? bakit katabi ko si Neizel?" Grabe! kinakabahan ako sa maririnig ko! Tulog pa rin yung dalawang sira ulo kaya sinimulan na ni Gelli ang pagkukwento.

*FLASHBACK*

Gelli's POV

"Hindi ako makapaniwala na nangyari ito, magdamag kaming tumawa ng girlfriend ko dahil sa inyong dalawa, sana naman walang hadlang sa inyong dalawa, sana maging masaya kayo, naiiyak ako sa speech ko, Allen, Neizel, andito lang ako, iingatan ko si Gelli para sa inyo, JOKE! para naman kayong mamamatay niyan..LOL! MASAMANG DAMO KAYONG DALAWA! ALAM NIYO YAN! HAPPY BIRTHDAY TOL!" message ni Jerome sa video..

"HAPPY BIRTHDAY!" sigaw ko sa video..

Nakakapagod naman ang araw na to, hanggang ngayon hindi pa rin ako makaget-over sa dalawang to, ibang klase sila,  ngayon lang ako nakakita ng ganitong pangyayari, think of it, talagang nagkapalit sila ng personality.

Hindi pa rin ako makapaniwala na ganun si Allen and sobrang kumag ni Neizel, kahit lasing siya wala siyang pinagkaiba.

*BLAG*

"Shit Gelli.." Sabi ni Jerome na kinagulat ko naman.

"Bakit ba?"

"Look at her.." Tumingin naman ako sa direksyon kung na saan si Allen, dahil bukod sa akin siya lang ang pwedeng sabihan ng 'her'.

"OMG!" Hala! si Allen nagsleepwalk! AHAHAH! ANG DAMING KAKAIBA KAY ALLEN!.

"Gelli anong gagawin niya? Wait kukuhanan ko rin ng video." At ang abnoy ayun kinuhanan nga.

"Aba malay ko." Sinundan lang namin si Allen hanggang sa makarating siya sa may closet niya.

O____________O

Agad ko na namang tinakpan ang mata ni abnoy..

O______________O

Fuck! may camera nga pala, kaya naman agad ko din itong tinakpan, napapamura na ako ahh, hindi ko to field.

"Isang tingin, I'll fucking kill you Jerome.." Pagbabanta ko sa kanya na kanyang ikinatayo ng diretso.

Ngayon niya lang siguro ako narinig na magmura, ikaw ba naman mapasama sa cuss couple malamang mahahawa ka rin.

•True Love•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon