CHAPTER 32:

9 1 0
                                    

Neizel's POV

"Ayaw mo siyang pansinin pero mismong puso mo gusto siyang kamustahin."

Pinapagalitan na naman ako ni Kona, tama kayo, si Kona nga.

Binisita ko siya sa bahay nila, ang totoo niyan hindi pa rin namin mahanap yung nagpaamoy sa kanya.

Ang natitirang choice na lang namin ay patayin lahat ng tauhan ni Dad para maging okay na si Kona.

Mahirap naman gawin yun dahil pakalat kalat sila para hanapin si Zero.

Hindi ko pa masabi na okay na ang dalawang clan. Pahamak naman kasi si Dad ih, bakit naniwala sa L na yun?

"Tss, paano ko siya papansinin? Nakakahiya kaya yung ginawa ko sa kanya."

"Bopols mo kasi nuh? Pinairal mo na naman yang kaartehan mo! Alam naming ganyan ka kapag nagkakasakit ka, nakakanosebleed na nga eh, buti dalawang araw ka lang may sakit. Abnormal disease, tss. At sa dalawang araw na yun, naging cold ka daw kay Allen!? Anak ng!"

"Oo..." Mahina kong sabi na parang pabulong na lang.

"Bakla ka ba?"

"GRABE KA NAMAN!" Hindi ko mapigilang mapasigaw sa sinabi niya, ako bakla? Baka gusto niyang ipatapon ko siya sa pluto ngayon.

"Ang gago mo, alam mo yun?"

"Hindi, pakisabi nga sa akin para malaman ko." Sarcastic kong sinabi sa kanya.

"Bakit kasi pinauso niyo yang 003 Smoke na yan? Dyahe tuloy ako ngayon, edi sana pinaplano na namin ni Allen kung paano ka niya kakalimutan." Sabay pose pa na parang nagpaplano nga siya. Seryoso ang loka?

"Sa harap ko pa talaga? Sa akin mo pa talaga sinasabi yan? Alam mo naman na may problema yung tao, pasalamat ka nga dinadalaw pa kita." Nakataas pa kilay ko niyan habang sinasabi ko sa kanya.

Minsan, ay hindi, madalas talaga abuso na ang mga babae ih. Hindi nila alam na mas fragile ang puso namin pagdating sa babaeng mahal namin. Kaya feeling nila na okay lang sa amin kahit anong sabihin nila na masakit, alam ko namang joke lang yun.

Pero hindi ko lang maiwasan na isipin, ako? Kakalimutan ni Allen? Hindi matanggap ng isip ko yan, kapag naririnig kong kakalimutan niya ako, yung puso ko feeling ko naiipit ng dalawang bakal. Ang sakit!

"Ah...eh...masyado ka namang seryoso Neizel, may lagnat ka pa ba?" Tanong niya habang nakalagay yung kamay sa likod ng ulo niya.

"Tss! Wala na! Letche naman oh, bakit kasi nagkasakit pa ako, pahamak talaga si Calvis!" Nasabunutan ko na ang sarili dahil sa sobrang inis. Siguro kaya lang ako mahal ni Allen dahil kamukha ko si Calvis. Si Calvis kasi ang first love niya, nakikita niya ang dating si Calvis sa pagmumukha ko! Puro na lang Calvis! "Kona samahan mo ako, magpaparetoke ako ng mukha!"

"Nahihibang ka na ba? Anong pinagsasabi mo?" Halatang hindi niya gusto ang idea ko.

Kung hindi ko babaguhin ang mukha ko, mananatiling si Calvis ang makikita ni Allen. Yung wala kong kwentang Kuya ang makikita niya, hindi ako!

"Oo nahihibang na ako! Wala na akong maisip na ibang paraan. Alam mo ba kung bakit ako nagkakaganito? Kasi naisip ko, kaya lang ako mahal ni Allen dahil nakikita niya si Calvis sa mukhang to!" Sabay turo sa gwapo kong mukha. "Alam mo bang si Calvis ang first love ni Allen? Ang galing nuh? Tapos gusto rin ni Calvis si Allen, ano ako? Asungot? Panggulo sa love story nila?" Hindi ko na napigilan pang umiyak. Masakit ih!

"Hindi ganung tao si Allen, lahat ng tao sa paligid niya iba ang turing niya. Eh ano naman kung si Kuya Calvis ang first love niya? Hindi mo ba naisip na ikaw ang true love niya? Neizel wala ka bang tiwala kay Allen?"

•True Love•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon