CHAPTER 10:

34 1 0
                                    

Allen's POV

*Calling....Mom

"Oh Ma? Bakit?"

[Allen, next week diyan na sa condo unit mo titira si Matt.]

"Huh? Pero Ma!"

[Wala ng pero pero, lilipat na ang kapatid mo sa school mo, may high school naman diyan, utos to ng Daddy mo.]

Si Daddy na naman? Bakit ba palagi na lang siya ang nasusunod? kaya nga ako umalis sa bahay namin diba? para magkaroon ako ng privacy tapos biglang lilipat ang kapatid ko? Close naman kami ni Matt, pero paano si Neizel? Paano ko sasabihin sa kanya na kailangan niya ng umalis?

"Sige na Ma, aayusin ko na yung isang kwarto."

[Sige, ingat kayo ahh.]

Bakit ang tagal matapos ng week na to? 4 days na simula nung dumating si Moon sa school namin, 4 days na rin simula ng magkaroon ako ng part time job, photographer, 4 days din magulo ang buhay ko!

Tae naman oh! walang araw na walang nagpapicture kay Moon! tapos ako pa uutusan nila na picturan ko sila, ang kapal naman talaga oh!

Bakit kasi ang gwapo ni Moon? bakit kasi may dimple siya? bakit kasi nakakatunaw ang smile niya? BAKIT?

Thursday. Pero bakit parang Monday?

Tinatamad tuloy ako pumasok, ito yung magulo sa buhay ko eh! Pahamak kasi si Neizel! Hindi ko talaga maintindihan kung ano takbo ng utak niya. Nagagalit siya kay Moon kahit kinakausap lang ako, hindi naman siya ganito sa iba kong blockmates na lalaki.

"Manang.."

"Oh gising na pala ang Kumag." Paano ko sasabihin na lilipat na ang kapatid ko dito?

"Anong pagkain?"

"Magluto ka kung gusto mo, bye aalis na ako." Nagtext na kasi si Moon na nasa baba na siya ng building.

"Sabay na tayo!"

"Hindi! Mabagal ka kumilos! malelate ako dahil sayo! Tsaka may kasabay na ako, sumunod ka na lang!"

"Tss. si Moon na naman? Ano bang nakita mo sa lalaking yan?"

"Wapakels!"

Bahala ka sa buhay mo! Feeling ko tuloy siya ang may PMS eh, Ang init init ng ulo pagdating kay Moon, tatanong pa kung ano nakita ko, obvious naman!

Si Moon, gwapo, matangkad, mabango, ganda ng mata, nakakatunaw ang smile lalo na sa dimples! masaya kasama, hindi mainitin ang ulo, friendly sa lahat, talented, gentleman at prince charming ang dating! In short Calvis liit!

Si Neizel? Ahmmm...gwapo, matangkad, nakakalambot ng tuhod ang ngiti, ang ganda ng mata parang jolen, mabango din, ma-macho, talented, mainitin ang ulo, weird, nakakatakot, hindi mo alam kung mangangain o mangangagat lang at KUMAG!

See the difference?

"Boo!"

"Ay Kumag!"

"Uy, miss mo yung kapatid ko?" Tss! iritang irita nga ako sa kapatid mo eh!

"Oy hindi ah! Tara na nga malate pa tayo."

"Ayaw mo lang na abutan tayo ng kapatid ko." Oo na! Nakakainis kasi siya,

"Hindi din! Bahala ka na nga diyan!" Bakit ba naiinis ako kapag nababanggit lang si Kumag?

"Sorry na, Allenaia..."

"Tss."

"Hays...SORRY PO!"

"HAHAHAHA! Oo na Moon!"

•True Love•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon