CHAPTER 25:

13 1 0
                                    

Calvis's POV

Nawawala si Allen at L.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Allen.

"I FORGOT TO TELL YOU GUYS, HINDI PALA KAYO MAKAKAALIS SA PWESTO NIYO HANGGA'T HINDI TAPOS ANG GAME."

Napatingin ako sa paa ko, may nakakabit ng kadena. Paano to nangyari? Bakit hindi ko naramdaman?

Nagsimula na ang game nila, si Dad ang unang tumira.

Alam kong magaling si Dad sa chess dahil never ko pa siyang natalo kapag naglalaro kami. Ewan ko na lang kung mas magaling si Zero sa kanya.

Sa hindi inaasahang tira, nagkamali si Dad.

*BANG*

Nagulat ako sa nangyari. Binaril lang naman ang isa sa tauhan ni Dad.

"GULAT KA BA RYAN? HINDI NAMAN KASI SILA CHESS PIECE, SO IMBIS NA KAININ EDI PATAYIN. ONE DOWN RYAN."

"Ibang klase ka Zero, talagang sinusubukan mo ako." Sabi ni Dad.

"NAMAN! HINDI PAPATALO ANG PINAKAMAYAMAN SA BUONG MUNDO NA SI ZERO. NUMBER TWO LANG ANG MORTON CLAN."

Number two? So kapag nalaman ko kung sino ang one, may pag-asang malaman ko kung sino si Zero.

Hindi na nagsalita si Dad at pinagpatuloy niya ang paglalaro.

Kinakabahan ako sa mangyayari. Wala sa game si Dad, kinakabahan ba siya? Pero bakit? Alam niya bang mas magaling si Zero?

30 minutes na at 2 pa lang ang namamatay sa tauhan ni Zero, pero 10 na yung patay sa tauhan ni Dad.

"RYAN NAKALIMUTAN KO NA NAMAN, KAPAG MAY GINAWA KANG HINDI TAMA, PWEDENG PWEDE KONG PASABUGIN ANG BUNGO MO. TURN RIGHT."

Kahit ako napatingin sa right ni Dad, may sniper. Wala talaga kaming kawala dito. Kailangan kong hanapin si Allen.

Tiningnan ko si Tito Lance at relax na relax lang siya. Alam niya ba na mangyayari ito?

"May dapat ka pa bang sabihin Zero?" Tanong ni Dad.

"MERON! YUNG PRICE KO! ATAT KA MASYADO AH, DAHIL SA ATAT KA, SASABIHIN KO NA, KAPAG NANALO KA, MAKUKUHA MO NG BUHAY SI MRS. MORTON, PERO KAPAG NATALO KA EDI DEADS!"

Si Mom!

Nakita kong lumabas sa big screen si Mom, nakatakip ang mata at bibig niya at nakatali siya sa isang poste.

"SA ORAS NA MAY GAWIN KANG KALOKOHAN RYAN HINDI LANG IKAW ANG MAWAWALA PATI ANG ASAWA MO!"

Hindi ko na kayang palampasin to, pati si Mom nadamay na.

Pero paano ako aalis dito kung naka-kadena yung mga paa ko?

Nagpatuloy sa game sila Dad at Zero.

Nadagdagan na naman ang patay sa tauhan ni Dad.

Dad buhay ni Mom ang nakasalalay dito, kailangan mong ipanalo ang game na to.

Nagulat naman ako sa ginawa ni Zero dahil kusa siyang gumalaw.

"ALAM MO MORTON, PARA SA AKIN, HINDI KA MANANALO KUNG HINDI KIKILOS ANG KING."

Kaya ba siya gumalaw? Anong plano niya? Siya mismo ang papatay kay Dad?

"AT SA ISANG LABAN KUNG SINO ANG NAGHESITATE PUMATAY SIYA ANG UNANG MAMAMATAY."

Ang dami mong alam Zero.

Nagsimula na ring gumalaw si Dad. Alam kong hindi siya papatalo. Mahal na mahal niya si Mom.

Si Zero na naman ang gumalaw at the same time pinatay niya yung queen. Ang bilis ng pangyayari dahil nakapunta agad siya dun?

•True Love•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon