CHAPTER 23:

14 1 0
                                    

Allen's POV

"Mahal! Gising ka na! May date pa kaya tayo! Bumangon ka na diyan!"

"Inaantok pa ako Neizel...."

"Babangon ka o gigising ka?"

Parehas lang yun ah? Loko talaga tong si Mahal!

"Umagang joketime yan Mahal ah..."

"Gising ka na kaya bumangon ka na!"

"Kiss muna?" Hala! Ako pa nanghingi ng kiss sa kanya?

*TSUP*

"Ayan na, bumangon ka na!"

"Isa pa?" Hala! Baliw na ata ako! Isa pang kiss?

*TSUP*

"Abusado ka na Mahal ah!"

"I need oxygen Neizel."

"I need oxygen Allen."

*DING DONG*

Pusang kalabaw! Panaginip lang yun? Hindi na sana ako gumising.

Ang aga namang istorbo nun? Hindi niya ba alam na 6am pa lang?

*DING DONG*

"LETCHE! SAGLIT LANG!"

Sorry sa umagang kay ganda! Nasira niya kaya yung tulog ko. Hindi niya ba alam na 2am na ako nakatulog dahil broken hearted ako?

*BLAG*

Napasara naman ako agad ng pinto sa nakita ko. Bakit siya? Anong ginagawa niya dito? Nananaginip ba ako? Hindi naman ah! Nagising naman ang kaluluwa ko sa nakita ko.

"Ayaw mo ba akong makita?"

"A-anong ginagawa mo diyan?"

Bakit niya nagagawang humarap sa akin? Pagkatapos ng ginawa ko sa kanya kahapon?

"Hindi mo man lang ako pagbubuksan?"

"Ah...eh....Ano bang kailangan mo?"

"Gusto lang kita makita, 8am ang flight ko papuntang London."

Gusto mo pa akong makita? Matapos kitang saktan Neizel. Umagang iyakan to.

"Hindi mo na ba ako mahal? Sorry nga pala sa mga nasabi ko kahapon, pinangunahan lang ako ng galit."

Bakit ba sinasabi mo pa yan Neizel? Ganito mo ba ako sinasaktan? Kasi ang galing mo! Doble yung sakit ngayon kesa kahapon.

"Alam mo Allen, balak ko pa naman sana ngayon tumakas ako, balak ko diyan lang ako sa tabi mo."

Neizel patawarin mo ako, alam ko naman na gagawa ka ng paraan, pero hindi lang dahil sa bata kaya kita pinakawalan. Ayokong makita mo ako na may galit sa Dad mo.

"Kayang kaya kong suwayin si Dad para sayo. Kaya kong hindi sumunod sa utos niya, sabihin mo lang na huwag akong umalis, hindi ako aalis."

Alam ko yun Neizel, matagal mo ng napatunayan sa akin yun. Ikaw yung taong may isang salita.

"Gusto kitang makita Allen."

Ayokong makita ka, sa oras na makita kita baka hindi ka na tumuloy.

Baka bawiin ko lahat ng sinabi ko sayo kahapon.

"I-ingat ka dun."

Neizel....sorry talaga....gustong gusto man kita makita, gustong gusto ko man na ihatid ka pero hindi pwede eh.

•True Love•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon