CHAPTER 37:

8 1 0
                                    

L/Leath's POV

"Ate itigil mo na, please?"

"Lous pwde ba? Kung ayaw mo huwag kang mangielam."

"Ate paano kung ikaw yung mamatay? Paano na lang ako?"

"Hindi ako mamamatay Lous, aalis tayo, pupunta tayong Batangas kapag tapos ko na ang dapat kong gawin."

Tinamaan ako sa braso nung pinaputukan niya ako. Kahit wala na siyang MPD, magaling talaga siyang humawak ng baril.

"Leath alagaan mo ang dalawa mong kapatid ah."

"Yes Mommy! Love ko sila eh!"

"Okay! Ang bait talaga ng baby namin, tawagin mo yung dalawa at mamamasyal tayo."

"Okay po Daddy! Yehey!"

Pinatay niya ang Daddy ko. Kahit na sabihin niyang pinatay ni Daddy si Mommy, hindi ako naniniwala, hindi yun magagawa ni Daddy dahil mahal na mahal niya si Mommy.

Si Allen. Naiinggit ako sa kanya. Lahat ng tao mahal siya. Kahit si Calvis mahal siya.

Lahat alam niya. Lahat ng baril na nakuha niya alam niyang gamitin. Pero hindi yun ang mahalaga ngayon.

Nahulog ang granite. I have no idea kung buhay pa sila o hindi. Nagkaroon kasi ng usok nung bumagsak ang granite.

Tumayo ako sa pagkakahiga ko. Unti unti ng nawawala ang usok. Mukhang mauubusan ata ako ng dugo dahil sa tama ko.

Nung nawala na ang usok. Tch. Buhay pa sila.

Kinuha ko ang baril ko, isa na lang ang bala, para talaga 'to kay Allen. Lumapit ako sa kanila. Nakaya niyang itulak yung upuan palayo? Ibang klase. Halimaw ba 'to?

Nagkamalay na siya at umubo siya dahil sa usok. Hindi niya pa napapansin na nandito ako.

"Lester, uy! Gising!" Inalog niya yung kasama niya at gumalaw ito. Buhay din.

Ang swerte naman nila, pwes ngayon wala na silang kawala pa.

"Tama na drama, tapusin na natin to sa happy ending."

"Tangna, saan ang happy ending dito?"

Nakuha niya pa akong sagutin? Saan kaya siya humugot ng lakas ng loob? Hindi ba siya natatakot na mamatay? Wala siyang laban sa akin.

"Sige lang, sabihin mo na ang gusto mong sabihin, tutal last day mo na ngayon."

Inirapan niya lang ako, pero nagsalita rin siya.

"Leath, ano bang ginagawa mo? Mali pala tanong ko, bakit mo ba 'to ginagawa? Hindi ka pa ba satisfied sa nalaman mo?" Umiling ako sa tanong niya. Pinatay niya si Daddy kaya dapat mamatay din siya. "Deplorable Leath. Mapapatawad naman kita kung ititigil mo 'to, hahayaan ko kayong mabuhay ng tahimik ng kapatid mo basta lumayo kayo."

"Hindi, lalayo lang kami kapag namatay ka na."

"Bakit ayaw mo pang gawin ngayon? Leath, nagdadalawang isip ka, ayaw mo lang aminin sa sarili mo na tanggap mo na ang lahat. Si Cardi ang pumatay kay Lorraine!"

Tama na! Enough! Kapag may sinabi ka pa hindi ako magdadalawang isip na iputok ang baril na 'to.

Ayoko ng makinig sa sasabihin niyo! Ayoko ng maniwala sa mga sinasabi niyo! Nawala na ang lahat sa amin. Ito lang ang tanging paraan para masatisfied kami ng kapatid ko.

"Tumigil ka."

"Leath, ayaw mo bang sumaya?"

"Shut up! Sasaya lang ako kung mawawala ka!!"

•True Love•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon