CHAPTER 15:

30 1 0
                                    

Allen's POV

Monday again! September 24.

Sa friday pala may pupuntahan akong birthday party ng bata! CAKE!

"Wuy!"

"Ay kumag!"

"Bessiepot naman, sa lahat ng itatawag mo kumag pa?" -Kona

"Sorry, may iniisip lang."

"Si Neizel?" Ehh?

"B-bakit ko naman iisipin yun?" Ahm! Ahm! Tama! Bakit ko iisipin yun?

"Siya lang kasi ang tinatawag mong kumag." -Kona

Oo nga pala, kumag naman kasi talaga siya, akala ko nung saturday ng gabi pagkagising ko hindi ko na siya maiisip, bigla ba naman nagluto sa kusina sa unit ko. Ampupu naman! Yun pa naman ang gusto ko sa isang lalaki, magaling magluto.

"Wag na nga yan ang pag-usapan natin, yung iyo na lang."

"Itutuloy ba natin? Paano kung epic fail?"

"May tiwala ka ba sa akin? Lahat ng plano ko success!"

"Oo na, hindi naman ako mananalo sayo."

"Game na! Lagay mo na yan!"

Ano nga ba ang gagawin namin? Gagawa lang naman kami ng mga bagay bagay para mapansin ni Moon si Kona. OHA! Hindi na uso yung lalaki yung magpapapansin sa babae, wala ng Maria Clara sa mundong ito.

Pagbukas namin ng locker ni Moon.

O___O

Tambak ng loveletters, mukhang expected na niya to kaya hindi siya nagamit ng locker. Iba talaga alindog ng lalaking ito.

Tinanggal namin ni Kona yung mga basura at nilagay namin yung letter niya. Sa hindi inaasahan, paparating si Moon kaya naman agad namin sinarhan yung locker niya pero it's too late to run. Nakita niya rin kami.

"Anong ginagawa niyo diyan?" Tanong ni Moon.

"Ah..nakita kasi namin to, mga kalat, alam mo na officer kami, bawal to, kaya sige bye diyan ka na." Sabi ko.

"Bye." -Kona

Wooh! Sana naman hindi niya nahalata yun! Next naman! Nagpapapansin na kami ng lagay na yan. Ahaha!

Nakita namin si Moon sa may garden ng school, mag-isa lang siya kaya naman swerte namin!

'hindi kita minahal dahil sa kung anong meron ka minahal kita kasi sayo ako masaya'

Naghuhulog kami ng love qoutes sa kanya, andito kami sa 2nd floor. Buti sumasakto sa place niya.

"Wow! Sweet." Rinig namin na sabi ni Moon kaya naman nag-apir kami ni Kona.

'sana kung iibig ako sa isang katulad mo gusto ko yung masaya at simple lang yung pag-iibigan nating dalawa para malaman natin sa isa't-isa kung gaano kaimportante yung relasyon natin'

"Sure, why not?" Rinig uli namin na sabi niya.

'sana clover na lang tayo para ako yung C at ikaw yung R para sa gitna natin yung LOVE'

"Favorite ko pa naman yung clover na junk food." -Moon

'ano bang panulat ang gamit mo? hindi kita mabura sa isip ko'

Si Neizel kaya, anong panulat niya? AAAHHH! Erase Erase.

"Maybe Moonpen? Haha!" -Moon. Tumatawa na siya mag-isa.

'nakuha ko lahat ng gusto ko sa buhay, isa na lang ang hindi ko pa nakakamit yun ay ang pagmamahal mo.'

"Hindi ka naman lumalapit sa akin, paano mo makakamit?" -Moon. Kona! Nagbibigay na siya ng sign! But be careful!

•True Love•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon