CHAPTER 22:

13 1 0
                                    

Allen's POV

Late na naman ako nakatulog dahil late na kami nakauwi ni Neizel.

May make-up pa rin yung mukha ko.

Pinauwi ko muna si Neizel sa unit nila ni Moon. Kawawa naman kasi yung unit, hanggang ngayon kasi wala pa rin si Moon at Kona.

Sobrang nag-aalala na talaga ako.

Bago ko malimutan, ilalagay ko muna sa laptop ko yung mga narecord ko sa mini video cam ko, baka biglang mabura, sayang naman yun.

Ang dami na palang laman nito! 37 videos and 277 pictures!

Andito pa yung videos at pictures last foundation week ah.

Mapanuod nga lahat.

"Allen! Crush ka daw ni Chris oh!"

"Naku Kona! Imbento mo na naman ah!"

"Chris! Ikaw kaya magsabi? Utusan mo pa kong torpe ka!"

"Hahaha! Ang kulit nila dito."

"Tara paltan natin ng toothpaste yung laman nung oreo."

"John hanep sa prank ah!"

"Huwag ka ng KJ Ron."

Pinaltan naman nila ng toothpaste yung oreo at binalik sa lalagyan.

Dumating naman si Tan at kumuha ng oreo.

"Fuck! Ano to? Bakit lasang close up na colgate?"

"Alin ba talaga Tan? Nakuha mo pang magjoke?"

Nagtawanan naman yung dalawang mokong sa gilid, akala siguro nila hindi ko alam yung ginawa nila. Post ko kaya to sa FB?

Ang dami ko pang pinanuod, nakakatuwa balikan lahat.

Binuksan ko naman yung recent videos.

"Yung nagsabing maganda yung singer, tama ka dude! And she's taken, by me."

Waaah! Ito yung araw na dapat si Kona yung magtatapat kay Moon! Ito rin yung araw na nakidnap kami ni Neizel.

Navideo ko pala yung date kuno namin ni Neizel, yung disguise na 5k!

Dito rin yun, dito nagsimula na marealize kong gusto ko si Neizel. Pero pilit kong tinatanggi kasi hindi talaga ako makapaniwala.

Puro takbo kami dito ah! Nakakapagod pala kahit pinapanuod ko lang.

"Sumakay na kayo, ilalayo ko kayo sa kanila."

Si L. Hindi ko na siya nakita uli. Totoo kayang wala na siya?

"Pasok na Allen, trust me."

Medyo nakalayo na kami sa MOA.

"Thanks, pwede mo na kaming ibaba diyan sa tabi."

"Hindi pwede, nakasunod pa rin sila sa atin."

"Ate, saan po tayo pupunta?"

"Ahmm...dahil nakabihis na kayo ng ganyan, pupunta tayo sa isang party!"

"Party?"

"Yup! Birthday kasi na-ko ngayon."

"Ilang taon na po kayo? Sayang wala kaming gift."

"22 na ako. Okay lang yun, pupunta naman kayo diba?"

"Kung inaantok ka, matulog ka muna sa balikat ko."

•True Love•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon