CHAPTER 12:

32 1 0
                                    

Allen's POV

"Gelli tara na kasi, pumayag ka na."

"Ayoko nga."

Ang tigas talaga ng ulo ng babae na to, masyadong pinapalaki yung pride niya, sabi kasi ni Jerome gusto niya daw makausap si Gelli kahit saglit lang, hindi ko naman matiis yung kaibigan ko, kaso itong isang to masyadong ma-pride, siya na nga sinusuyo ayaw pa, sabi naman niya sa akin nung isang araw na kapag tinanong siya ni Jerome kung pwede sila mag-usap, papayag siya. Anong nangyari sa babaeng to? May MPD ata to eh!

Andito nga pala kami sa MOA, ayokong makita sila Kuya Ken at Matt, nakalipat na nga pala si Matt sa condo ko, si kuya naman sa katabing unit ko, ang mas nakakagulat pa, yung 3 unit na bakante malapit sa unit ko, occupied na. Yung katabi ko sa left si Kuya ang bumili kasama niya dun si Calvis, sa right naman si Moon at si Neizel ang bumili, kakayanin ba nila magsama? Ngayon pa lang hindi ko na maimagine. Tapos sa katabing unit nila Kuya, yung dalawa niyang kabandmate na sila Rich at Luke, kumpleto tropa nila! Sa isang floor kasi may 10 units, dahil 8 na dito sa floor na to dalawa na lang parang barangay na.

"Ang arte mo Gelli alam mo yun? Kulangot ka ba? Pa-hard to get ka pa!" Sigaw ko sa kanya kasi naiinis na talaga ako sa kaartehan niya.

"Pati ba naman ikaw kulangot tingin sa akin?"

"Anong gusto mo? Tae? Patigasan?" Naiinis talaga ako, alam niyo yun?

Ang ganda nung bungad ko sa inyo nung umpisa ng story na to, may pa-gospel gospel words pa nga ako nun, tapos biglang puro cuss yung maririnig niyo sa bibig ko. Nakakahawa ang sakit ni Neizel, palibhasa nagstart lang siya magsimba nung tumira siya sa akin. Kailangan hindi na ako magmura, napakalaki na ng kasalanan ko kay Lord. Kailangan wala ng cuss. Promise!

"Tara kain na lang tayo." Pagyayaya ni Gelli.

"Dahil pinagod mo ako, ililibre mo ako, tara sa Pizza Hot!"

Naglaway kasi ako kanina sa pinanuod ko, bakit kasi puro about sa pagkain ang palabas sa TV ngayon? Bago ko makalimutan sabado pala ngayon, 1pm.

1pm na? Hala lunch na pala! Grabe naman pala mag-emote tong si Gelli, isama pa ako. Lalo akong papayat, tumataba na daw ako eh! Hindi ko na sasayangin ang pagkakataon na yun.

Habang kumakain kami ni Gelli. Katext si Moon, tumutulong din kasi siya.

Me: Kamusta naman diyan? :))

Moon: Magulo, andito kasi yung kapatid ko. -_____-

Me: Haha! hindi talaga kayo magkasundo nuh? Paano sa condo? ?__?

Moon: Madali lang, hindi kami nagpapansinan at hati yung unit namin. >___<

Me: Nakakatuwa naman kayo, hahaha! Well, break a leg! ^___^ Uy mamimili lang kami ng damit ahh.

Moon: Kung pipili ka ng damit sana yung parang ako.

Me: Huh? Bakit?

Moon: Simple pero bagay sayo. BOOMBUM!

Hindi ko alam yung irereply ko! Hala! Shemay! Anong BOOMBUM? BUM? Sa BUM ako bibili ng damit! AAAHHHH!

"Huy! Grabe ka naman diyan, okay ka lang? Katext mo ba si Neizel? Ikaw ah, may gusto ka na sa kanya nuh?" Tanong ni Gelli.

ASA naman na magustuhan ko yung weird na yun! Pero nakakamiss yung luto niya, hindi naman kasi marunong magluto yung kapatid ko, tapos si Kuya naman kailangan may kapalit bago niya ako ipagluto, kapag sinabi ko kay Neizel na nagugutom ako, hindi siya nagdadalawang isip na magluto, mabait din naman pala yung mokong na yun.

Habang namimili kami ng damit ni Gelli may nakita akong damit, ang cute nung design, yung babae kasi makikita mo na parang nagtampo siya dun sa boy tapos yung boy may hawak na ice cream, naalala ko tuloy si Neizel.

•True Love•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon