EPILOGUE:

10 1 0
                                    

Neizel's POV

"Try mo, yung sayo pasasabugin ko. Kakalimutan kong ama ka ng taong mahal ko, Tito Lance." Saan kaya ako humugot ng lakas ng loob para masabi ito?

"Mukhang jackpot ako sa pagsunod sayo Zero, nandito ang tatlong target ko, may bonus pa."

"Subukan mo L. You'll die in a second."

Napakakomplikado ng sitwasyon namin ngayon. Kahit saan mo tingnan, lahat kami patay dito sa oras na magkamali kami ng gagawin.

Nagpapasalamat ako dahil wala si Allen dito, okay lang na ako na lang ang mawala, kami na lang. Ang mahalaga wala na dito ang mga kaibigan ko at ang taong mahal ko.

"L ibaba mo ang baril mo." Sabi sa kanya ni Dad.

"You're not my boss Ryan."

"Ryan just put down first your gun." Madiin na sabi ni Tito Lance.

"No, Zero needs to put down his gun and surrender." Sagot naman ni Dad sa kanya.

"Magdasal ka na Ryan, Lance and Zero. Kasama ka na Neizel."

"Put down your gun L. This is my last warning." Si Tito Lance na ang nagsabi sa kanya.

"I won't! Will you guys please shut up? Bakit hindi na lang tayo magpatayan dito para matapos na ang lahat?" Sigaw ni L.

Hindi kami nagsasalita ni Zero, kung titingnan mo siya, parang siya ang pinakamatino na nandito ngayon.

Hindi ko mabasa ang nasa isip niya dahil natatakpan ang mukha niya, kahit mata niya hindi ko makita.

Napalingon siya sa way ko at hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Posible kayang kilala ko si Zero? Is it possible na matagal ko na siyang nakakasama?

"Put down!"

"No! You first!"

"I'll kill you if you won't!"

"ALL OF YOU JUST SHUT UP AND PUT THE FUCKING GUN NOW!" Sigaw ni Zero.

Sisigaw na sana ako dahil kahit ako nabibingi na sa pag-aaway nung tatlo.

Hindi 'man nila binaba ang baril nila, tumahimik naman sila. Natakot siguro sa pagsigaw ni Zero, kahit ako natakot, hindi ko yun itatanggi.

"What do you want L?" Mahinahong tanong ni Zero sa kanya.

"I want you dead along with Lance Bautista the number one and Ryan Morton the number two."

"Why?" Simpleng tanong ni Dad.

"Because it's none of your business."

"Then I'll kill you first because it's also none of your business." Sagot naman ni Tito Lance.

Hindi ko man maintindihan ang pinag-uusapan nila. Nakakaramdam naman ako ng hindi maganda sa mangyayari dito.

"Then kill me first."

Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Zero. Baliw ba siya? Hindi ba halata na lahat kami dito gustong mabuhay tapos siya gusto niyang mamatay? Kung sa bagay dapat lang yun sa kanya.

"No! Leave it to me Zero." -Tito Lance

Biglang tumingin si Tito Lance sa akin at bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Bakit? Anong meron sa tingin niya? Bakit ganyan siya makatingin sa akin? Parang sinasabi niya na iligtas ko si Zero? Bakit? Siya ang dahilan ng lahat kaya bakit mas kinakampihan niya pa ang murderer na yan?

Mas lalong nagulo ang isip ko dahil sa tingin ni Tito Lance. Hindi ko na nga maintindihan ang sitwasyon, nadagdagan pa ng pag-aalinlangan.

Binaba ko ang baril ko na nakatutok kay Tito Lance at tinapat ko kay Zero. Tama ang gagawin ko. Alam ko yun.

•True Love•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon