CHAPTER 17:

30 1 0
                                    

Allen's POV

"Meron ka pang dapat na malaman Allen, pero ipangako mo sa akin na lalaban tayong dalawa. Sabay tayo."

Kinakabahan ako sa kung ano man ang sasabihin sa akin ni Neizel.

"Sabay tayo Neizel, hindi kita iiwan."

"Ako din. Hinding hindi kita iiwan."

May kinalaman ba ito sa nangyari sa amin? Sa mga dumukot sa amin?

"Ano ba ang dapat kong malaman?"

"Allen...."

"Ano?..." Kinakabahan kong tanong sa kanya, siguro isa ito sa kung bakit siya andito.

"Na---"

"Na?...." Nalaman na niya kung sino ang may pakana nito? Sino?

"Natatae ako..."

-_____-

Wengks.

*PAK*

Sa sobrang inis ko sa kanya binatukan ko siya. Kung ano ano na naiisip ko, kabadong kabado ako sa sasabihin niya tapos biglang natatae lang siya? Anong kalokohan ito?

"Ginagago mo talaga ako no?" Sabi ko hindi na ako magmumura, pero sorry talaga, hindi ko mapigilan.

"Seryoso ako, hindi ko na kayang pigilan, tumakbo na tayo, ayokong abutan ako dito." Pinagpapawisan na siya habang hawak niya ang pwet niya.

May ganitong boyfriend ba kayo? After ng sweetness niyo biglang bibirahan ng ganito? Nagustuhan ko talaga to? Ako ata ang weird eh!

"Bakit kasi hindi ka pa nagCR bago pumunta dito?"

"Kanina naman hindi pa, kasi naman sa sobrang kilig to."

Dapat ba akong matuwa sa sinabi niya? Kung kinikilig ang isang tao hindi ba dapat naiihi? Bakit siya natatae?

Agad naman kaming bumalik sa bahay ni Blood para makigamit ng CR, buti na lang marami silang CR sa bahay, hindi nakakahiya sa ibang bisita, nagpasabog pa si Neizel.

Umuwi na kami ni Neizel after niya magpasabog, tumawag na rin kasi si Daddy sa akin na umuwi na ako.

Isa pa yun, simula nung nakidnap kami ang dami ng bawal sa akin, may curfew na rin ako, hanggang 9pm lang ako, kung lalagpas ako dun susunduin ako ng bodyguards ni Daddy at may bawas ang allowance ko. Kailan pa kami nagkaroon ng bodyguards?

Balak pa ni Daddy na ilipat ako ng school, lilipat pa ako? Isang taon na lang ako.

Sobrang nakakapagod ang araw na ito, kailangan ko ng matulog.

*BANG*

"A-allen....sab-bihin mo kay Leath at Lous....al-lagaan nila si Lareen.....at ang m-may gaw-a nito...."

"TITA!"

Sinong Leath at Lous yun? Lareen? Alagaan si L? Bakit? Ano niya ba yun? Anak ba ni Tita Lorraine si L? Pero hindi pa naman sigurado kung si Ate Lareen at L ay iisa.

*BANG*

"Ma-aawa k-ka....wag m-mo k-kong p-pat-tayin..."

"You killed Tita..."

Teka....

Bata?....

Ako yung bata?...

Bakit may hawak ako na baril? Sino yung lalaki? Anong nangyayari? Bakit gusto ko siyang patayin?

Teka....

•True Love•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon