CHAPTER 39:

8 1 0
                                    

Kona's POV

"Kona, hindi ka pwedeng umalis dito."

"But Papa! Hindi pwedeng tumunganga lang ako dito habang yung bestfriend ko nakikipagpatayan doon! Papa hindi ka ba nakokonsensya? Lahat ginagawa nila para hindi tayo mapahamak, pero hindi naman pwedeng hindi tayo tutulong."

Nag-aaway kami ni Papa. Ayaw niya kasi akong papuntahin sa action na yun. Sinabihan na daw siya ni Tito Lance na huwag aalis ng bahay.

"Makinig ka sa akin Kona, hindi kita hahayaan na pumunta doon. Mapapahamak ka lang!"

"Pero Papa! Kailangan ako ni Allen ngayon! Kailangan ako ng mga kaibigan ko!"

Okay naman sa akin na may concern sila, pero hindi lang talaga ako matahimik sa kakaisip sa kung anong pwedeng mangyari.

Ilang buwan akong nakakulong dito sa bahay, nakikibalita lang ako sa tuwing nandito si Moon. Lalo na nung namatay si Maicha, sa tingin nila matatahimik ako?

Kaya ko naman ang sarili ko ah! Kaya ko pang pigilan ang sarili ko kahit makita ko pa si Allen. Hindi ko magagawang saktan ang bestfriend ko. Sobra sobra na yung ginawa niya para maprotektahan ako.

"Whether you like it or not, you're still staying here, until christmas!" Sigaw ni Papa.

Oo na galit na siya kasi makulit ako, pero galit na rin ako kasi minamaliit ako! Buong buhay ko hindi ko pinangarap na makulong lang sa bahay na parang isang kawawang tuta!

"Whether you like it or not Papa, I'm leaving and no one can order me to stay here and wait for nothing."

Sinalpak ko ang pinto ng kwarto ko, pumasok ako dito para magbihis, pupunta ako ng auction. Tutulong ako kina Allen.

Niready ko na lahat ng mga kailangan kong dalhin, kahit hindi ako marunong gumamit ng baril, magdadala pa rin ako.

Palabas na sana ako ng kwarto pero hindi ko mabuksan ang pinto! Naka-lock  yung pinto ko!

"Papa open the door!"

"No Kona, I won't." Then narinig ko na ang papaalis na si Papa.

"No....hindi ako pwedeng makulong dito..."

Iyak lang ako ng iyak.

Kona, iiyak ka lang ba diyan at magmumukmok? Maghihintay sa balita? Sa balita na hindi mo alam kung maganda o hindi?

Hahayaan mo na lang ba ang mga kaibigan mo na lumaban para sayo? Wala ka man lang gagawin Kona?

Paano nga ba ako aalis dito sa kwarto ko na hindi nalalaman ni Papa? Alam kong maraming bantay sa labas ng kwarto ko.

Kung sa bintana naman ako dadaan, malamang may mga bantay na rin sa baba at sigurado akong mahuhuli nila ako. Hindi ako papayag.

Pumasok ako sa restroom dito sa kwarto ko. Matagal ko ng gustong gawin ito, ngayon magagawa ko na.

Kung mapapanuod niyo sa mga palabas, para makatakas ang mga bida, dumadaan sila sa mga secret passage na makikita sa taas ng restroom, yun ang ginagawa ko ngayon. Maliit, masikip at madilim.

After 30 minutes nakalabas na rin ako, ang dulo nung passage na yun ay sa likod ng bahay namin na kalsada na ang sunod.

15 minutes bago magstart ang auction, late na ata ako pero tutuloy pa rin ako. Nasimulan ko na kaya hindi na ako pwedeng umatras.

Neizel's POV

"Pupunta ka talaga?"

"Oo, nakapagdesisyon na ako. Kailangan ako ni Dad, ikaw ba?"

•True Love•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon