CHAPTER 2:

50 2 0
                                    

Neizel's POV

Sabado na! kaso wala si Allen, umuwi muna siya sa kanila, sa bahay talaga nila, ang boring tuloy ng araw ko ngayon, alam niyo ba, may secret akong sasabihin sa inyo, matagal ko ng kilala si Allen, may lihim din akong pagtingin sa kanya.

OO TAMA KAYO! kinder pa lang, pero kasi hindi niya ako mapansin, hindi naman kasi ako ganun kagwapo para mapansin ng iba, pero dati lang yun, nung una nagkukunwari lang ako na hindi ko siya kilala at sinusungitan ko siya, alam niyo na artista ang pangarap ko ehh, dejoke plano ko talaga yun para mapalapit sa kanya.

Ang ginawa ko na lang dati para mapansin niya ako, pinagbutihan ko ang pag-aaral ko at dahil dun naging classmate ko si Allen nung grade 3 kami.

Nagulat nga ako kasi mas mataas ang grades ko sa kanya pero parang nagkamali ako dun, mas lalong hindi niya ako pinansin.

Magkasama kami sa iba't ibang quiz bee pero parang wala lang ako sa kanya, hindi naman dahil sa hindi niya ako pinapansin eh titigil na ako.

Nagulat ako lumipat siya ng school nung grade 5 na, hindi ko alam kung saan pero hindi ako nawalan ng pag-asa.

Pagdating ng high school, parehas kami ng pinasukan, DESTINY nga talaga kami, kaso hindi niya ako matandaan, kapag nakakasalubong ko siya snob lang.

Maganda siya, flexible sa lahat ng bagay, friendly, matalino, mabait, perfect girl kumbaga. Kaya nga buong buhay ko nakasunod lang ako sa kanya.

Teka nga, kanina pa may nasunod sa akin ehh.

"Oi! pwede ba wag niyo na akong sundan? Ano bang kailangan niyo?"

"Sir Neizel, need niyo pong umuwi, pinapatawag po kayo ni Sir Nestor."

Si Lolo? At bakit? Pinapabalik na niya ba ako? Para saan? Ayaw naman ni Daddy sa akin.

"Ayoko."

"Sir utos po sa amin ni Sir Nestor na kapag ayaw niyo, mapipilitan kaming gawin ang lahat para mapasama kayo."

Lahat? So no choice ako...TAKBO!

"SIR!"

"AYOKO SABI EHH!"

Takbo lang ako ng takbo, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

Basta ang alam ko lang kailangan kong iligaw sila dito, ayoko na sa bahay namin, mamamatay lang ako dun, yung lahat ng bagay na gagawin ko kailangan alam nila. Kailangan may permiso nila, mabubuhay ba ako nun?

Ngayon pa at close na kami ni Allen, ayoko! Malamang ipapadala nila ako sa London, yun naman ang gusto nila para sa akin ehh.

Isa yun sa rason kung bakit ayaw kong umuwi. Si Kuya Rich pinsan ko yun, kaya sa kanya muna ako tumira kasi siya lang nakakaintindi sa akin.

Teka, bukas yung bintana, ang tanga naman ng may ari ng condo unit na to, iniwan niyang bukas yung bintana pero wala siya rito, bahala na nga, dito muna ako sa loob ng unit na to, hindi naman ako nakita nung mga humahabol sa akin dahil umakyat ako.

Allen's POV

Umuwi muna ako, nagtext kasi si Kuya Ken sa akin, may sakit daw kasi si Mama walang mag-aalaga kasi may trabaho siya, yung bunso may pasok naman, ako walang pasok kaya umuwi muna ako, si Dad? wala siya dito sa Pinas, seaman ehh.

"Mama? Upo ka muna, inom ka ng gamot."

"Allen,..balik ka na dito?"

"Mama..napag-usapan na natin yan diba? sayang naman yung condo unit na regalo ni ninong sa akin."

•True Love•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon