Keliah"Haaay...buti naman at nakaligtas na tayo! Saka ito pala ang classroom natin...wooh!!! Nakakapagod tumakbo! Grabe teh!!!" Wika ko at naupo na sa bakanteng upuan.
"Oh...miss Beautiful dito ka rin pala!" Nagulat naman ako nang makita si Gen---este Clark. Dito din siya? Pwes...mas mapapadali ang misyon ko!!!
Unti-unting pumasok ang ibang estudyante. Nagulat naman ako nang pumasok si Melondy. Dito rin pala siya! Nagulat naman ako nang pumasok si Liam at Jacob. Mapapadali na talaga ang misyon ko. Kaso...nasan na ba silang Meliah, Alexandria, Nathan, Ezra at Amilna. Nasan na ba kaya sila?
Nagulat naman ako nang pumasok si Aqualean at tumabi sa akin.
"Ano nga pala yung pangalan mo?" Tanong ko.
"Ummmh...Aira...ikaw yung nabangga ko kanina diba. Sorry ah!" Sabi ni Aqualean na ngayon ay Aira na.
"Keliah nga pala ang pangalab ko." Wika ko at nagulat naman kami ni Kent na natulala siya.
"Anyare?" Tanong ni Kent.
Baka may naalala siya. Kagaya ni Liam kanina na sumakit ang kanyang ulo. Tama...may naalala siya!
"Aira...ok ka lang?" Nabalik naman sa reyalidad si Aira.
"Aaah...oo! Nandiyan na si Maam!" Wika ni Aira at umayos ng upo.
Nang pumasok ang adviser namin...agad kaming nagreet ng good morning. History siya kaya wala akong oras para sa history-history na yan. Nang matapos ang dalawang subject ay recess na. Yahooo! My favorite subject. Amazing!!!
"Pwedeng sumama sa inyo?" Tanong ni Aira sa aming dalawa ni Kent.
"Aaah...syempre!" Sabi ko at nagsmile. Dapat maging kaibigan ko ulit ang mga kaibigan ko na nakalimutan ako.
"Aaah sige!" Wika ni Kent.
Agad kaming pumunta sa cafeteria at umorder ng kahit anong pagkain.
"Pwedeng umupo dito?" Tanong ng isang babae pero busy ako sa pagkain ko. Sharap!!!
"Ummmh...pwede naman!" Sabi ko.
"Thanks!!!" Teka...pamilyar ang boses niya. Teka...oh my gods!!!
"Lucy!!! Ikaw nga..." Gulat na wika ko.
"Ummmh...hindi Lucy ang pangalan ko. Leny ang pangalan ko..." Ay oo nga pala! Iba na pala ang mga pangalan nila.
"Ummmh...Keliah ang pangalan ko!" Wika ko at sa inaasahan...natulala siya! Tama nga ako...may naalala sila sa pangalan ko.
"Ah guys!!! Bili muna ako ng tubig ah!" Wika ni Aira at tumango nalang kami.
"Oh sige! Bilisan mo ah!" Sabi ko at tumango naman si Aira.
"So...sino yang gwapong kasama mo?" Tanong ni Leny.
"Ummmh! Siya si Kent...kaibigan ko!" Wika ko.
"Nice to meet you Kent!!!" Wika ni Leny pero deadma lang siya.
"He's not interested at me!" Wika ni Leny.
"Anong problema mo Kent? Bakit dinedma mo lang siya?" Bulong ko kay Kent.
"Hindi ako interesado sa kanya." Bulong ni Kent at tumango nalang ako. Sng ganda ni Leny...mukha ding matalino pero di siya interesado? Mukhang may nasa puso na ni Kent kaya walang epek sa kanya ang mga lumalandi sa kanya. Kawawa naman!!!
"Sorry natagalan...may babae kasi at lalaking naghahalikan kanina eh! Wala silang paki kung may makakita sa kanila! My gods Grabe!!!" Wika ni Aira saka umupo at uminom ng binili niyang tubig.
BINABASA MO ANG
Fantazia Academy: Remember /Completed√/
FantasyBook 2 of Fantazia Academy: The lost powerful princess of Magisia They forget the past. They forget the academy. They forget the Magica World. They are separated. Their only hope is Keliah. Can they REMEMBER it again... Can they Remember the past...