Chapter 23: A way to Remember

1.5K 64 1
                                    


Keliah

"Si Rasell ba..."

Hindi narinig ni Grexel dahil isang malaking pagsabog ang aming nakita.

"A-ano yun?!" Gulat na sabi ni Melondy.

Hangang sa nakita namin ang isang babaeng napakaganda. Kulot ang buhok at ang kinis ng balat.

"Mahal na prinsesa!"

Lumuhod si Grexel ngunit pinigilan siya ng babae.

"Teka...Hindi ko naiintindihan! Bakit mo hahanapin si Rasell?" Nalilitong tanong ko.

"Hahaha! Prinsesa! So...infairness ang ganda mo!" Sabi nung reyna.

"Excuse me Reyna ok! Nalilito kasi ako ng slight with a little bit of that and a little bit of this...Ok! Sino nga ba talaga si Rasell!" Lakas loob kong sabi. Eh! Litong-lito na ako eh!

"Siya ang..."

"Tama na ang satsat! Papatayin ko yang prinsesa!" Sabi nung reyna saka umatake.

Agad kong pinuntahan si Kent. Wala siyang malay "Guys! Help!" Sabi ko at lumapit si Jak.

"Thanks Jak...teka---" Naputol ang sasabihin ko nang inatake ako ni Jak ng napakalakas na hangin buti nalang at nakaatake pa ako kaya naunahan ko siya.

"Pak you! Bakit mo ginawa yun ah! Akala ko kakampi mo kami?" Sabi ko.

"Well ngayon hindi na! Alam ko na kung sino ang Dark And Light Princess...kaya dapat ay walang mangialam sa plano namin! Hahaha!" Sa haba ng sinabi niya hindi niya alam na nasa likod niya na pala si Kent.

"Sabi na nga ba! Hindi ka talaga makakapagtiwalaan." Sabi ni Kent at umatake ng napakalaking apoy saka sumabog ito.

Umatake din ako at kinontrol ang dugo ni Jak.

"Ugh!!! Let me GOOO!" Sigaw ni Jak pero kinontrol ko parin ang dugo niya saka nagawa kong pagalawin siya hangang sa sinipa na siya ni Kent at nawalan na nga ito ng malay.

Pumunta kami kina Grexel at nahihirapan na sila. May galos na nga sila at mga sugat. Tumatawa lang ang reyna at ang prinsesa naman ay nahihirapan na at pawis na pawis. Infairness! Walang sugat at pasa si prinsesa! Perfect!

Umatake si Kent ng bolang apoy sa reyna ngunit kumontrol ng isang lupa ang reyna at hinarangan ang lahat na bolang apoy na papunta sa kanya.

Hangang sa umatake ang reyna ng kidlat galing sa ulan! Malakas iyon kaya napatakbo ako at nadapa pa ng bongang-bonga! Gumulong pa talaga ako.

Nawalan na ng malay ang prinsesa dahil siya ang natamaan sa kidlat. Agad akong tumayo at linapitan ang prinsesa ngunit na mental bend ako! Lord! Mababaliw na ata ako!!!

Kita ko sa dalawang mata ko kung pano sinipa at tinadyakan ng reyna ang mga kasamahan ko. Nagulat nalang ako nang tumulo ang luha ko. Tulo lang ito ng tulo. Hindi na ako makagalaw! Nakokontrol niya na ang isip ko.

Hangang sa may dumating na babae. Sugatan at ang daming pasa. Si Rasell...

Ngunit natumba ito na hindi ko alam ang dahilan. Tuluyan akong naiyak! Ito na ba ang kataposan namin?

Ngumisi ang reyna at tumawa saka gumawa ng bolang gawa sa apoy. Palaki ng palaki hangang sa hinagis ito papunta kay Rasell.

"HINDI..."
Sigaw ko. Nakokontrol ko na ang sarili ko kaya agad akong pumunta kay Rasell.

Ako na sana ang matatamaan...

"HINDI...."

Nang biglang humarang sa aking harapan si...Grexel!!!
Lumaki ang aking mata at balak sanang pigilan si Grexel ngunit sumabog na ito at natamaan si Grexel.

"HINDI!!!" Sigaw ko na puno ng galit at poot.

Tinignan ko ang mga kasamahan ko. Hindi ko na kaya makita silang ganito!!!
Galit na galit kong tinignan ang reyna. Hangang sa unting-unting umiba ang buhok ko.

May red at sky blue ang buhok ko na ang ipinagtaka. Nagulat ang reyna sa nakita niya! Oh! Ano ka ngayon!

Tinignan ko ang sarili ko sa tubig at nagulat ako...kulay pula na parang dugo ang buhok at mata ko. Ngunit ang isang mata ko ay kulay blue. Pinaghalong sky-blue at pula ang buhok ko.

Ngumisi ako sa reyna!

"Water Blood Spikes!" Sabi ko at nagsilabasan ang dugo at tubig na mga spikes.

"Blood Control!!!" Sabi ko at kinontrol ang dugo ng reyna saka ito hindi pa nakagalaw.

Natamaan siya sa spikes ko saka ako ngumisi nang makita ang dugo na lumabas sa tuhod niya nang matamaan siya sa spikes ko.

"ARRGGHHH!" Galit na sabi ng reyna.

Pumalakpak ako ng tatlong beses saka ako nakapunta sa harapan ng reyna at sinipa siya!

Nakita ko si Rasell na tumayo.

"I'm the princess of Darkness and Light bending huh!" Sabi ni Rasell saka biglang dumilim ang lahat. Sa isang iglap ay may ilaw na at nang tignan ko ang reyna...madami na itong pasa at sugat.

"Ngayon kainin mo tu!" Sabi ni Rasell at inilagay sa puso ng reyna ang blue crystal.

Nagulat nalang kami nang biglang umilaw ng ilaw na nakakasilaw hangang sa nawalan ng malay ang reyna.

Agad kong linapitan si Grexel...

"Gre-Grexel..." Sabi ko.

Tuluyan akong naiyak at unting-unting bumalik ang dati kong anyo. Ang blue kong buhok at mata.

"Keliah...Mga bata! Sa-salamat! Tagumpay ang inyong misyon! Salamat dahil...nakilala ko kayo kahit kunting panahon lang! Pa...paalam!"

Tuluyan akong naiyak. Hindi!!!

"Hindi Grexel!!!! HINDI!!!"

_

Nakatulala akong nakatingin sa bahay ni Grexel. Paalis na kami at kahapon kami pinasalamatan ng mga tao dito.

Hangang sa lumapit sa akin ang reyna at nagpasalamat siya. Kahapon pa tu eh! Pabalik-balik ang peg! Sirang plaka pala ang peg!

"Basahin mo itong sulat ko...yan ang paraan upang maaalala ng mga kaibigan mo ang nakaraan. Sana naman ay makakatulong yan sa inyo. Alam kong...magugulat ka pag binasa mo iyan!" Sabi ng reyna saka ngumiti.

Ngumiti rin ako sa kanya saka kami kumaway sa kanila at pumasok na sa portal.

Ito na nga...itong sulat ang paraan upang maalala nila ang nakaraan!

Fantazia Academy: Remember /Completed√/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon