KeliahSabay-sabay kaming kumain at naiilang ako sa tingin ni Nathan sa akin. Katabi ko si Kent habang nasa harapan ko naman si Nathan.
"Okay ka lang My Cutie? Wala ka bang gana?" Nakasimangot na sabi ni Kent sa akin saka kinurot ang pisngi niya. Ang cute niya talaga!!!
"Ikaw talaga Kent!!!" Bakit mo pa kasi ninakaw puso ko na tumitibok sana kay Nathan noon...
"Kain ka na!!!" Nakangiting wika niya saka hinalikan ako sa pisngi.
"Wooooaaah! May tao po dito!"
"Inosente po kami!!!"
"Ehem ehem..."
Natawa nalang ako kay Melondy, Rasell at Skyla saka ako kumain. Napalingon ako kay Nathan na nawala ata ang gana sa pagkain...
"Ayaw mo bang kumain Nathan?" Sabi ni Alexandria kay Nathan.
"Busog na ako!" Sabi ni Nathan at biglang tumayo at pumasok sa kanyang kwarto.
"Is he okay?" Tanong ni Meliah sa akin. Woooaah! Marunong mag-ingles ah!
"Busog lang ata o walang gana!" Sabi ko kay Meliah.
"Hindi niya ginalaw pagkain niya. Isang kutsara lang ata kinain niya..." Sabi ni Akutsu.
"Hayaan nalang natin yun. Baka nagselos lang!" Sabi ni Melondy. Napalingon naman si Kent kay Melondy na nasa unahan.
"What?! Bakit siya magseselos..."
"Baka hindi pa siya nakamove-on..." Tama ka diyan Melondy...He still love me.
"Tsss...I don't think so!" Sabi ni Kent at kumain nalang.
Nang matapos kaming kumain ay pumasok na kami sa aming mga kwarto. Kasama ko sa kwarto si Kent, Aqualean at Ethan ngayon.
Nakakailang lang dahil panay titig si Ethan sa akin. Ethan is the brother of Nathan...baka alam niya!
"My Cutie! Tinawag ako ni Nathan saglit. Wag kang lalabas ah!" Nakangiting wika ni Kent sa akin.
Tinawag siya ni Nathan? Bakit kaya...
"Ah! Ok My pie!" Nakangiting wika ko kay Kent saka siya umalis.
"Diyan lang muna kayo guys ah! Tinawag ako ni Alexandria saglit!" Sabi naman ni Aqualean at nagmamadaling lumabas.
Kami nalang ni Ethan naiwan dito...
Inayos ko ang higaan namin saka ako nahiga sa aking kama.
"Kel..." Nagulat ako bigla nang tinawag ni Ethan ang pangalan ko.
"A-ano?" Sabi ko kay Ethan.
"Mahal mo pa ba ang kapatid ko..."
Nagulat ako sa tanong ni Ethan.
Mahal ko pa ba si Nathan...
BINABASA MO ANG
Fantazia Academy: Remember /Completed√/
FantasiBook 2 of Fantazia Academy: The lost powerful princess of Magisia They forget the past. They forget the academy. They forget the Magica World. They are separated. Their only hope is Keliah. Can they REMEMBER it again... Can they Remember the past...