Keliah"Meliah..." Wika ko saka ko sila tinulungan.
"Ok lang ba siya? Nasaktan ba siya? Anong ginawa niyo? Ok lang ba kayo? May sugat ka sa kamay mo Melondy!" Sunod-sunod na wika ko ngunit di sila sumagot. Nakita ko ang mansyon na unti-unting linalamon ng lupa.
"Dadalhin natin siya sa ospital!" Sabi ni Skyla kaya tumango kami at sumakay na sa kotse.
Hawak ko ang mainit na kamay ni Meliah. Hindi ko mapigilang umiyak.
"Meliah! I missed you so much." Sabi ko habang umiiyak at hawak-hawak ang kamay ni Meliah.
Ilang minuto ay dumating na kami sa ospital. At dinala na nga si Meliah sa isang kwarto.
"What happened?" Tanong ni Akutsu kay Aqualean.
Tahimik lang sila...bakit?
"A-ah...ano? She suddenly collapsed." Sabi ni Aqualean saka kami umupo.
Naghintay kami ng ilang oras at hinintay ang sasabihin ng doktor. Hangang sa lumabas na ang doktor...
"Doc? Ano po ang nangyari?" Tanong ni Skyla.
"She's alright! Walang mali sa kanya. Magiging okay ang kaibigan niyo." Wika ng doktor kaya napatango kami at gumaan na ang aking loob. Ok lang si Meliah...salamat naman.
Napalingon ako kay Aqualean at Melondy na nakayuko...ma-may problema ba?
_
"Meliah? Gising na!" Wika ko kay Meliah. Pangalawang araw na ni Meliah dito sa ospital at hindi pa siya gumigising. Alam kong magigising siya sa mga susunod na araw kaya ngumiti nalang ako sa aking kaibigan.
"Pag gising na Mel...sana naaalala mo parin ako."
"Who is she Ate Kel?!" Kasama ko ngayon si Chexa or shall I say Kacey. Ngumiti ako ng malapad aa kanya.
"Kaibigan ko siya Kacey. She's my very best friend." Sabi ko kay Kacey.
"Bakit ayaw niyang gumising ate? We must wake her up!" Sabi ni Kacey.
"Natutulog pa siya at nagpapahinga kaya hindi natin siya dapat gisingin!" Wika ko.
"Ummmh...ate Kel...you face looks familiar. Nagkita na po ba tayo noon?" Nakangiting wika ni Kacey habang sinusuri ang aking mukha.
"Of course! Nagkita na tayo..." Sabi ko kay Kacey kaya napangiti ito.
"Kacey!!!" Rinig naming tawag ni Akutsu.
"Aaarrggghh! Kuya Akutsu naman eh! I don't want you! Gusto ko nga si Ate Kel ang magbantay sa akin." Nakasimangot na sabi ni Kacey.
"Asus! Pasensya na Kel ah! Tinawag na kasi siya ni Auntie. Baka pagalitan na naman ako." Sabi ni Akutsu.
Nakangiti akong tumango kay Akutsu saka naman nagpaalam si Kacey sa akin."Bye ate Kel!!!"
"Bye!"
_
BINABASA MO ANG
Fantazia Academy: Remember /Completed√/
FantastikBook 2 of Fantazia Academy: The lost powerful princess of Magisia They forget the past. They forget the academy. They forget the Magica World. They are separated. Their only hope is Keliah. Can they REMEMBER it again... Can they Remember the past...