Chapter 26: Finding Chexa

1.2K 58 1
                                    


Keliah

"Kel..." Tawag ni Skyla sa akin.

Hindi ko siya pinansin at mabilis na tumawid sa kalsada.

*BEBEEP*

"Masyado ka kasing natataranta. Kalma ka lang Kel!!!" Sabi ni Kent.

Muntik na akong masagasaan ng kotse, buti nalang at hinila ako ni Kent. Masyado na akong natataranta!!! Kainis!!!

"Keliah! May sasabihin sana ako!" Sabi ni Skyla.

"Mamaya nalang Sky! Kailangan nating mahanap ang kapatid ko!!!" Sabi ko saka naman dumating si Akutsu galing sa parking lot. Mabilis akong sumakay sa kotse saka umupo.

"Bilisan niyo! Pasok na!!!" Sabi ko.

Bakit ayaw nilang pumasok?!

"Bilis na!!! Pinapainis niyo ba ako!!!" Sabi ko.

"Kel...masyasdo ka nang natataranta!!!" Sabi ni Melondy.

Hi-hindi ko mapigilan. Naiinis ako sa sarili ko!!! Ayokong mawala ang kapatid ko.

"Kalma ka lang Kel!!! Alam naming mahal mo ang kapatid mo...I mean ang cousin ni Akutsu pero masyado ka nang natataranta. Mas lalong hindi mo siya mahahanap pag ganyan ang kilos mo!" Sabi ni Skyla.

Tama sila!!! Masyado na akong nadadala sa emosyon ko. Naiinis na talaga ako. Kailangan ko nang huminahon!!!

"Sige pasok na kayo guys!" Sabi ni Akutsu.

Mabilis silang pumasok sa kotse saka umupo. Katabi ko si Kent at si Akutsu naman ang magdradrive. Si Nick at Aira naman ay hindi sumama. Si Rasell at Melondy ang magkatabi habang si Skyla naman ay katabi ni Akutsu.

Nanginginig na ako sa kaba. Kinakabahan na talaga ako. Nagulat nalang ako nang hawakan ni Kent ang kamay ko. Nakangisi pa ang gago!!!

"Wag kang masyadong kabahan!!! Sige ka...hahalikan kita!!!"

ANO DAW!!!

Agad kong sinapak si Kent sa tiyan.

"Hahaha! Binibiro lang kita. Nanginginig ka na kasi sa kaba!" Sabi ni Kent.

"Sa-salamat..."

"We're here!!!"

Agad kaming bumaba sa kotse saka ko nakita ang kay laking bahay. Nauna nang pumasok si Kent saka din kami pumasok.

"Auntie Alicia!" Sabi ni Akutsu sa isang babae.

"Akutsu! Nawawala si Kacey!" Sabi ng Auntie ni Akutsu saka naiyak.

"Hahanapin namin siya. Don't worry! Tumawag na ba kayo ng pulis?" Sabi ni Akutsu.

"Oo..." Sabi ng Auntie ni Akutsu.

"Saan niyo siya huling nakita!" Sabi ni Melondy.

"Sa labas! Naglalaro lang siya nun eh!" Sabi ng isang yaya.

"Bakit niyo kasi iniwan ang bata na mag-isa!!! Alam niyo naman na bata pa yun!!!" Galit na sabi ko sa yaya.

"Bumalik kasi ako sa loob dahil---"

"Shut up! I don't need explanations!!! Nangyari na ang nangyari. Hahanapin namin siya!!! At sa susunod bantayan niyo siya ng mabuti!" Sabi ko sa tatlong yaya. Takot na takot na sila ngayon sa akin.

"Pwede mo bang ituro kung nasaan?" Sabi ni Melondy.

Tumango naman ang isa sa tatlong yaya saka kami pumunta sa labas.

"Dito! Dito namin siya huling nakita!" Sabi ng isa sa yaya.

"Anong ginawa niya?" Tanong ni Rasell.

"Naglalaro siya nun ng manika." Sabi ng yaya.

"Then..." Sabi ko.

"Pumasok na kami sa loob nun dahil nakalimutan naming magluto. Madaling magutom si Kacey kaya---"

"That's enough!" Sabi ni Melondy.

"Hmmm..." Sabi ni Rasell saka nag-ikot sa paligid.

Nagulat nalang kami nang makita ang isang manika.

"Yan! Yan ang manika ni Kacey!" Sabi ng yaya.

Hinawakan ito ni Rasell saka siya napapikit. Kaya niya bang makita ang nakaraan?

"Hi-hindi ko kaya! Masyadong mahirap!" Sabi Rasell saka natumba sa lupa.

"Rasell!" Sabi ni Skyla. Mabilis namin siyang tinulungang makatayo.

"Ok lang ba siya!"

"Anong meron sa kanila?"

"Creepy nila!"

"Hoy! Kayong tatlo! Bumalik nga kayo sa loob. Hindi kayo nakakatulong eh!" Sabi Kent sa tatlong yaya.

Mabilis namang bumalik sa loob ang tatlong yaya. Tumayo si Rasell at medyo nahihilo siya.

"Kaya kong tignan ang nakaraan sa pamamagitan ng paghawak ng bagay na pagmamay-ari ng isang tao. Pero hindi ko nakokontrol ito at lalong sumasakit ang ulo ko." Sabi ni Rasell.

"Kung ganun...aasa nalang ba tayo sa pulis?" Sabi ni Skyla.

"Teka...wala pala dito si Akutsu. Akala ko nandito! Baka malaman niyang may kakaibang kakayahan tayo!" Wika ni Melondy.

"May kakayahan din kaya si Akutsu!" Sabi ni Kent.

"H-ha? Ano?"

"Malalaman niyo rin. Unahin na muna natin ang paghahanap sa kapatid ni Kel!" Sabi ni Kent.

"Hindi! May paraan kaya!" Sabi ni Melondy.

"Ano?"

"Eh di ang sun!" Sabi ni Melondy.

"Ano?" Sabi ni Rasell.

"Ang sun! Light magic ako kaya malamang galing sa sun at liwanag ang magic ko. Ang sun ang ginagamit ko sa pagtrack ng isang tao dahil may maraming liwanag ang sun and nasa itaas pa tu ng earth kaya matratrack natin kung nasaan ngayon si Kacey gamit ang sun and of course dahil sakin! Hehe!" Sabi ni Melondy saka pumosisyon na upang simulan ang paghanap kay Chexa.

Tinaas ni Melondy ang kanyang kamay saka may lumabas na asul na liwanag. Nawala ito bigla at ilang segundo lang ay bumalik na ito.

"Ano yan?" Tanong ko.

"Sundan lang natin yang asul na liwanag na yan saka natin malalaman ang lokasyon ni Kacey." Sabi ni Melondy.

"Ok! Lets go!" Sabi ni Skyla.

"Tawagin na natin si Akutsu. Malamang pinapakalma niya ngayon si Auntie Alicia. Mauna na kayo sa kotse. Susunod nalang kami ni Akutsu!" Sabi ni Kent.

Agad kaming pumasok sa kotse at mga ilang minuto sy bumalik na nga silang Kent at Akutsu.

"Sige tara na!" Sabi ni Kent.

Sana ok ka lang Chex...

_________

Yey! Done with this chappie na!

Thanks nga pala sa sumuporta sa book 1. Hehe!!!

I think gagawa ako ng book 3!!!
(Advance mag-isip si Author!😂😁😅)

Anyways! Hope na may bumabasa parin sa story na tu!😑😄😂

Thanks!!!

Fantazia Academy: Remember /Completed√/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon