Chapter 44: Memoria

1.2K 47 1
                                    


Ezra

Nasaan na ba silang lahat? Hindi ko alam kung saan ako papunta. Kung saan-saan nalang ako dinadala ng aking mga paa.

Napahinto ako nang makaramdam ako ng gutom. Ilang araw narin akong hindi kumakain. Nasan na ba silang lahat?

"Oh! Ezra right..."

Nagulat ako nang biglang may umatake sa akin at humagis ng kutsilyo sa akin. Muntik na akong matamaan, mabuti nalang at naiwasan ko pa.

"Do I know you?" I asked.

Mukhang kampon siya ni Hell.

"Alam kong alam mo...ANG MEMORIA!" Nagulat nalang ako nang may lumitaw na mga kutsilyo sa aking harapan. Natamaan ako sa iba't ibang parte ng aking katawan ngunit hindi ko ito ininda.

"Hahaha! Sisiguraduhin kong mamamatay ka!!! Panira sa plano!" Umatake pa siya sa akin ngunit lahat ng kutsilyong hinagis niya ay sinalo ko and I immediately throw it away to her.

"What the f!!! Humanda ka sa akin!"

"Ikaw ang dapat humanda sa akin!"

Agad akong umatake sa kanya at sinuntok siya sa mukha. Nalipad siya palayo pero hindi ko siya pinalampas at mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at sinipa ang kanyang mukha.

"Hindi ko pa ginagamit ang magic at ability ko..." Sinipa ko na naman siya. Lumabas ang sariwang dugo sa kanyang mukha.

"Yeah...I'm Ezra at hindi ako naaawa sa mga taong kagaya mo!!!" Pinalabas ko ang aking espada at mabilis na sinasaksak siya sa kanyang puso.

I'm Ezra...

"Hi-hindi..."

Naglaho siya sa aking harapan. Nang biglang nakaramdam ako ng kakaiba...may taong nakapaligid.

"Sino ka! Magpakita ka!"

Untu-unting nagpakita ang isang babae na nakatago sa likod ng puno.

"Sino ka..."

"A-ako..."

Teka...mukhang pamilyar ang kanyang mukha.

"Ako si..."

"Teka? CHEXA?!"

Keliah

"Keliah!!! Wag!!!"

Nagulat ako nang makita ako ni Kent. Teka...alam niya ba?!

"Kent..."

Mabilis siyang tumakbo papunta sa akin at yinakap ako ng napakahigpit. Hindi ko na napigilan ang aking luha at umiyak na ako ng husto...

"Kent...sorry..."

"Wag mong gawin tu Kel. Wag mo tung gawin please..." Nakita ko kung paano lumabas ang luha ni Kent sa kanyang mga mata.

"Pero Kent..."

Hindi ako nakapagpatuloy sa aking sasabihin nang bigla niya akong hinalikan. He kissed me gently...

Tumagal ng ilang segundo saka niya ako yinakap ulit at bumulong sa akin...

"Gagawin ko ang lahat Kel. Gagawin namin ang lahat. Wag ka lang mawala sa amin. We can't live without you Kel. We cant..."

I hugged him tight. Alam nilang lahat. Alam nila ang sitwasyon ko ngayon...

"Kent...ito nalang ang paraan..." Hinawakan ni Kent ang aking mga kamay ng mahigpit na parang ayaw niya na itong bitawan.

Fantazia Academy: Remember /Completed√/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon