Chapter 18: Man in Shadow

1.7K 64 0
                                    


Keliah

Nang matapos kaming kumain ay dumeritso kaming lumabas upang puntahan ang gubat na tinutukoy ni Grexel. Sabik na sabik na talaga si Rasell pero meron ding kaba sa kanyang dibdib at nararamdaman ko iyon.

"Wag kayong mag-ingay...malamang nasa paligid lang ang mga Flying snakes!" Wika ni Grexel.

Nagulat nalang kami nang may lumabas na isang ahas galing sa himpapawid. Lumilipad ito at papunta ito sa amin.

"Ilag!" Sigaw ni Grexel kay Melondy.

Parami ng parami ang mga ahas. Agad kong kinontrol ang tubig sa mga kahoy at hinagis ko ang tubig sa mga ahas. Ganun din ang ginawa ni Kent. Madilim ang lugar ngunit gumagawa ng liwanag si Melondy.

Si Skyla naman ay umiilag sa mga atake ng mga ahas at tinutulungan kaming maka-iwas sa mga atake. Masyadong mabilis ang mga ahas ngunit si Skyla ay mas mabilis at matalas ang pandinig. Si Grexel at Rasell naman ay nag-earth bend at gumawa ng isang malaking butas.

"Pasok!" Wika ni Rasell saka kami pumasok lahat. Hindi na nakasunod ang mga ahas. Hindi madilim ang lugar dahil nandiyan si Melondy, ang liwanag sa dilim.

"Teka...may nararamdaman akong malapit na bahay. Sa tingin ko ay malapit na tayo!" Wika ni Grexel.

Tumango kami at saka kami nagsimulang maglakad. Medyo kinakabahan din ako.

"Nandito na tayo!" Wika ni Grexel saka gumawa ulit ng butas para makalabas kami. Nang makalabas ay bumungad sa amin ang isang bahay na tila ilang dekada na ang luma. Napakaluma na!!! As in.

Hindi ko alam pero may kutob ako na...wala nang taong naninirahan sa bahay na ito.

"Sigurado po ba kayo? Ito ba talaga?" Wika ni Skyla.

Mukhang hindi ata...

"Ito lang ang nag-iisang bahay ang nasa lugar na ito. Walang nainirahan sa gubat na ito dahil ito'y sinasabing Cursed Forest. Ngunit sa pagkakaalam ko...dito nakatira ang babaeng nagngangalang Selly at ng kanyang asawa...pasensya na bata kung---"

"Ok lang po. Tara na lang po, mukhang wala namang tao sa bahay na yan." Malungkot at naluluhang sabi ni Rasell.

Nakaramdam rin kami ng lungkot. Kaibigan ko na rin si Rasell at syempre nalulungkot kami dahil hindi niya nakita ang kanyang magulang.

"Hay naku gurl! Marami pang araw. Baka malay mo bukas makikita natin yang mga magulang mo! Diba!" Sabi ni Melondy na nagpagaan sa loob ni Rasell.

"Tama! Kaya wag kang mawalan ng Hoping!" Sabi ko.

"Agree!" Sabi ni Kent.

"Mga bata...hali na nga lang kayo at ipapasyal ko kayo sa Zexal Academy." Wika ni Grexel.

Talaga?

"Weeh?" Sabi ni Skyla.

"Ayaw niyo? Edi---"

"Sige tara!!! Tara na!!!" Masayang sabi ni Rasell. Bilib ako kay Rasell, hindi talaga siya nawawalan ng Hoping!

"Sige...sakay na kayo!" Nagulat nalang kami nang may batong gumulong papunta sa amin saka kami sumakay.

"Yeeey!" Masayang sabi ko habang sumasakay.

Fantazia Academy: Remember /Completed√/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon