Chapter 47: Never Give Up

1.1K 49 1
                                    


Keliah

Mabilis kaming tumakbo palayo ni Aqualean at Loke saka kami pumwesto. Ito na...

"Memoria...Arstatriah Gejjas..."

"Hold it right there kiddos!" Nagulat nalang kami nang makita si Meliah at Feli. Walang malay si Feli habang si Meliah ay nakangising tumitingin sa amin.

"Hi-hindi!"

"Hahaha! Ngayon? Pag itutuloy niyo yang ginagawa niyo...this weak will die!!!"

Hindi! Nasaniban si Meliah. Ano nang dapat naming gawin?! Hindi kami dapat magtunganga lang dito.

Nagulat nalang kami nang nagkamalay na si Feli pero hindi parin niya kaya. Nasa kamay parin siya ni Meliah. Puno na ng pasa at sugat si Feli...

"Tigilan mo na tu!" Sabi ko at mabilis na inatake si Meliah nang biglang...

"Keliah tulong..." Hindi!!!

"....HAHAHA! TRICKED OUT BITCH!!!" Mabilis akong nasuntok sa tiyan at natumba ako sa lupa ng ganun-ganun lang.

"Hahaha! Hindi niyo ako kayang patayin. Hahaha! Ngayon akin na yang papel na hawak mo!"

"Wag mong ibigay sa kanya Aqualean!!!" Hi-hindi na ako makatayo pa. A-ang lakas ng impact nung suntok niya.

"Sorry Kel!" Nagulat ako sa sinabi ni Loke at mabilis niyang nakuha ang papel na dala ni Aqualean.

"Hindi! Hindi!!! Traydor ka LOKE!!!"

"Hahaha! Magaling handsome boy. Now give me that paper..." Nakangising wika ni Meliah.

"Ayan na!"

"HINDI!!!" Sigaw ko pero huli na ang lahat...

Lucy

Papatayin ko kayong lahat. I will kill you all! Including you Hell....no matter how strong you are!!!

Mabilis kong inatake ang lahat na mga Harcots. Pinatay ang mga Crocselle...pero hindi pa tu sapat!!! I need to kill him!!! I need to kill Hell!!!

- FLASHBACK -

"LUCIA!!!"

"ATE!"

"Ang laki mo na kapatid ko..."

"Oh? What a drama!!!" Nagulat nalang ako nang biglang sinaksak ni Hell ang aking kapatid. Walang awa niya itong sinipa...

"Ate..."

"LU...LUCIA!!!!"

- END OF FLASHBACK -

I will kill you Hell!!! This is for my sister!!!

Mabilis kong inatake ang lahat na mga Crocselle at Harcots saka tinulungan ang mga tao na nasa panganib. Hindi ko kilala tung dalawa na babaeng tumutulong sa amin pero sa tingin ko kaibigan ni Keliah.

Nagulat ako nang muntik na silang lapain ng Crocselle. Mabilis kong pinatay ang Crocselle. Parang hindi sila nauubos!!!

"Hey guys!!! Hindi sila nauubos!" Sigaw ko saka naman nila ito narealize.

Fantazia Academy: Remember /Completed√/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon