Chapter 41: I Have To

1.1K 45 4
                                    


Keliah

I smiled at them but I know it's fake. A bitter and fake smile. It hurts...because I know I'll be gone this next days. I'll be gone and I'll miss them.

They teach me everything, especially speaking english. They teach me how to love. They teach to stand and smile always. But here I am...going to leave them. I'll do everything for my friends, kahit mawala man ako...I'll do it for them.

Sana hindi sila magagalit sa araw na mawawala ako. Sa araw na hindi ko na sila makikita kailan pa at hindi na rin nila ako makikita pa.

"Tara na nga! Ang drama natin!" Wika ko sa kanila kaya natawa na lamang sila.

"Libre mo kami Kel!!! Please!!!"

"Yup!!! Of course!" Of course, dahil mawawala na ako...at huli ko na ito. Huling pagkakataon upang mapasaya ko sila. Ang huling pagkakataon ko na mapangiti sila na kasama ako.

I have to leave them for the sake of our academy. For the sake of everything.

"Keliah!" Nagulat ako nang may sumigaw sa pangalan ko. It was Aqualean...

"Aqualean! Halika sama ka sa amin. Ililibre kita!" Nakangiting wika ko.

"Really?" She was surprised.

"Yes! Kaya tara na!!!"

_

Nagising ako bigla sa sigaw ni mama at Rasell sa sala. Mabilis akong bumangon at nakita ko si Rasell na nakapatong sa lamesa kasama si mama.

"What happened?"

"IPIS!!! WAAAH! TIGNAN MO! WAAAH! GUMALAW NA NAMAN!" Sigaw ni Rasell.

"SINO BA YANG SUMISIGAW! ANG AGA-AGA NAKAKABWESIT!" Natigilan si Rasell sa sigaw ng kapitbahay namin. Hahaha! Lakas mo kasi makasigaw Ras!!! Hahaha!

"Tse! Wala kang paki!" Sigaw ni Rasell sa kapitbahay.

Agad kong hinampas ng tsinelas ang ipis saka ito namatay.

"Salamat naman! Takot talaga ako sa ipis anak." Wika ni mama kaya napangiti nalang ako.

"Bibisitahin ko po ngayon si Meliah, Ras! Ayaw mong sumama?" Wika ko kay Rasell.

"Ummmh...may pupuntahan kasi kami ni Melondy eh! Next time nalang Kel!" Sabi ni Rasell kaya tumango nalang ako.

Walang pasok ngayon kaya gusto kong maaga ko mabisita si Meliah. Mabilis akong naligo at nagbihis saka kumain. Sinabi ko nalang kay Kent na wag nalang niya akong samahan dahil busy pa siya hanggang ngayon sa pagbabantay kay Kacey.

Matapos kong magpaalam kay Rasell at mama ay mabilis akong umalis papunta sa ospital.

Nang makarating ako ay nakangiti akong pumasok sa kwarto ni Meliah. Nandoon parin siya...nakahiga at walang malay.

"Good morning Mel!" Nakangiting bati ko kay Meliah kahit hindi niya ako naririnig.

Umupo ako sa tabi niya. Mahigpit kong hinawakan ang mga kamay niya. Hindi ko napigilan ang aking luha at hinayaan ang luha kong tumulo nalang.

Fantazia Academy: Remember /Completed√/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon