Chapter 50: I Still Love You

1.3K 51 4
                                    


Lucy

Mag-isa akong nakatingin sa ulap. Nasa isip ko ang kapatid kong si Lucia...

"Lucia...okay ka lang ba diyan?" Naiiyak na wika ko.

Lagi niya akong kinukulit noon. Lagi niya akong pinapasaya...

Hindi ko na napigilan ang luha ko at hinayaan ko itong tumulo mula sa mga mata ko.

"Namimiss na kita kapatid ko..." Sabi ko nang biglang may nagpahid sa luha ko. He smiled at me widely. Heiro?

"I miss her too..." Mahinang wika ni Heiro at nakitingin kaming dalawa sa ulap. Heiro is my childhood friend.

"Wala na siya..." Malungkot na wika ko at tuluyan na akong naiyak at napahagulgol.

Bakit pa siya ang nawala? Bakit ang musmos kong kapatid ang nawala!!! Sana ako nalang...

"Don't blame yourself. Hindi naman siya nawala eh! She's still in here..." Sabi ni Heiro at tinuro niya ang kanyang puso.

Napahagulgol ako at hindi ko napigilang yakapin si Heiro. I missed Heiro too...

Lagi siyang nandiyan pag may problema ako. Buti naman at naalala niya na ang lahat.

Umiyak lang ako saka ako yinakap ni Heiro.

"Hindi ko na kaya Heiro..." Wika ko kay Heiro.

He holds my hands saka ngumiti sa akin.

"Lahat ng bagay nawawala, Lucy. Kailangan mo lang magpakatatag." He said then he smiled at me sweetly.

Nakakahawa ang kanyang ngiti. Napangiti nalang ako at lumingon sa ulap...

Kailangan kong magpakatatag para sa kapatid ko...

"Yan! You must smile Lucy! Mas lalo kang gumaganda pag nakangiti ka!" Nakangiting wika ni Heiro.

Nanginit bigla ang pisngi ko sa sinabi ni Heiro. Parang naiilang ako sa tingin niya...

"T-tara! Pumasok na tayo sa loob." Wika ko kay Heiro.

"Ah! Sige!" Sabi niya at sabay kaming pumasok sa loob. Nakahanda na ang lahat para bukas...

Yung iba nagsasanay at ang iba ay gumagawa ng espada at kung ano pa. Handa na ang lahat...wala nang atrasan.

Ito na ang pagkakataon ko upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking kapatid.

Keliah

Handang-handa na kaming lahat. Medyo kinakabahan pero ito na! Hindi na pwedeng umatras. Kung ano man ang mangyari...hindi na kami pwedeng umatras.

Lumingon ako kay Lucy na seryosong nagsasanay kasama si Heiro at Filomena.

Sigurado akong gustong matalo ni Lucy si Hell. Gusto niya ng hustisya...

"My Cutie! Kain na tayo!" Sabi ni Kent sa akin saka inakbayan ako.

Napangiti ako sa kanya. Pano kung mawala ako sa tabi niya? Muntik na akong mawala sa tabi niya...

Fantazia Academy: Remember /Completed√/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon