Kent"Ano ba ang hindi ko dapat malaman?" Tanong ko ulit sa kanila. May tinatago ba sila sa akin. Ano ba ang hindi ko dapat malaman?!
"Ke-kent! A-ano kasi..."
"I'm just asking. Bakit kailangan niyo pang mautal?" Seryoso ko silang tinignan habang silang lahat ay nakayuko at nakatingin sa isa't-isa.
"Sabihin niyo na!!! Ano ba ang hindi ko dapat malaman?! Importante ba talaga yang sikreto niyo."
"Sorry Kent...sorry!!! Alam naming magagalit ka. Ayaw naming malaman mo! Sorry..." Sabi ni Aqualean at tuluyan nang naiyak.
"Bakit?" Seryoso kong tanong sa kanila.
"Kent...mawawala na si Keliah. Gusto niyang maayos na itong ang lahat at ang tanging paraan ay ang mawala siya..." Sagot ni Melondy na nakayuko.
Napako ako sa aking kinatatayuan. Hi-hindi!!! Hindi totoo yan!
"Nagsisinungaling ka lang Melondy..."
"Hindi siya nagsisinungaling Kent. Kailangang ibigkas ni Keliah ang Remember upang maalala na ng lahat ang nakaraan. Kailangan niyang mawala para sa ating mundo..."
Hindi! Kailangan kong pigilan si Keliah. Ayokong mawala siya. Hindi niya kailangang gawin ang lahat na ito. Sobra na ang nagagawa niya para sa amin...
"Pipigilan ko si Keliah...at maghanap kayo ng ibang paraan upang maalala ng lahat ang nakaraan, kailangan nating mapigilan si Keliah. Magtulungan tayo...dahil tayo ang mga kaibigan niya." Wika ko kaya silang lahat ay napalingon sa akin.
"Pero Kent...wala nang ibang paraan." Wika ni Aqualean.
"Imposible!!! Alam kong meron."
"Kent...hindi mo ganun kadali mapipigilan si Keliah. Gusto ni Keliah na magising si Meliah at ang paraan ay ang Remember. Pag naalala na ni Alexandria ang nakaraan, mawawala na si Meliah. Ayaw ni Keliah na mawala si Meliah kaya..."
"HINDI!!! Hahanap tayo ng paraan. Kung kaibigan kayo ni Keliah...hahayaan niyo lang ba na mawala siya. Mahal ko si Keliah...siya ang lahat ko. Ayokong mawala siya. Kailangan nating magtulungan para mapaigilan si Keliah dahil tayo ang kaibigan niya!" Galit na wika ko sa kanila. Bakit parang nawawalan na sila agad ng pag-asa!!! Dapat naming mapigilan si Keliah.
"Sang-ayon ako kay Kent!" Nagulat ako sa nagsabi nun, si Nathan.
"Nathan? Kanina ka pa ba dito!" Wika ni Melondy.
"Oo...narinig ko ang mga pinag-usapan niyo. Sang-ayon ako kay Kent. Dapat hindi tayo mawalan ng pag-asa. Hanapan natin ng paraan ang lahat na ito." Sabi ni Nathan.
Tama si Nathan. Kami ang mga kaibigan ni Keliah. Dapat kami humanap ng paraan at hindi agad mawalan ng pag-asa.
"Kailangan na nating kumilos ngayon din. Sang-ayon ako kay Kent at Nathan. Tayo ang kaibigan ni Keliah. Ipakita natin kay Keliah na tunay tayong kaibigan at hindi natin kayang mawala siya." Sabi ni Melondy at tumayo.
"Sang-ayon rin ako." Sabi naman ni Rasell.
"Para kay Keliah...hindi ako susuko. Sang-ayon ako!" Sabi naman ni Skyla.
"Naging parte na ng buhay ko si Keliah. So I agree!" Wika ni Akutsu.
"Tutulong ako sa pagtingin kay Alexandria. Hindi ko muna ipapaalala kay Alexandria ang nakaraan. Sang-ayon ako sa inyo at tutulong ako!" Sabi naman ni Loke.
Si Aqualean nalang...
Patuloy lang na nakaupo si Aqualean habang umiiyak.
"Aqualean..." Wika ko.
Tumayo agad si Aqualean at ngumiti kahit umiiyak.
"Para kay Keliah! Ngingiti ako kahit ako'y nahihirapan. Babalewalain ko ang sakit para kay Keliah. Buhay ko may kapalit...gagawin ko para kay Keliah. Sang-ayon ako sa inyo! Tulungan nating pigilan si Keliah at maghanap tayo ng paraan!"
Sabi ni Aqualean."Ano ba tu! Ang drama nating lahat! GROUP HUG NGA!!!" Sabi ni Melondy at mabilis kaming nagyakan.
"Para kay Keliah!!! Kaya natin tu!!!"
Gagawin namin ang lahat Keliah para sa iyo. Kaya namin ito!!!
Keliah
Mag-isa akong nakaupo sa ilalim ng puno malapit sa park na kung saan kami masaya noong kami pumunta dito.
"Sorry sa inyo guys..." Sabi ko at tumulo agad ang aking mga luha.
Alam kong magagalit sila sa akin. Alam kong malulungkot sila sa akin. Pero pasensya na sa inyo...kailangan ko itong gawin para sa inyo. Gagawin ko ito para sa inyo...
Kinuha ko ang papel na may nakasulat na kataga. Dapat ko ba talagang gawin tu?
"So-sorry sa inyo. Pa-paalam..." Sabi ko at umiyak ng husto.
"Sana mapatawad niyo ako sa gagawin ko...sana maintindihan niyo na ginagawa ko ito...para sa inyo!"
Hindi ko na napigilan ang aking luha. Halos hindi ko na mabasa ang papel dahil sa aking luha na tila hindi na mapipigilan sa pagbuhos.
"Mahal na mahal ko kayo..."
Hell
"Ano na?! Nahanap mo na ba ang Feli na iyon!!!"
"Opo mahal na hari at nasabi niya na ang paraan upang maalala nila ang nakaraan. Ano ang dapat nating gawin mahal na hari?"
Tumayo ako sa aking pagkakaupo at tinignan ang bagong mundo ng mahika.
"Kung ganun...dakpin niyo yang si Feli. Ibigay niyo siya sa akin na buhay." Sabi ko saka ako umupo ulit sa aking trono.
"Mahal na hari! May isa pa pong may alam sa ibang paraan. Alam niya ang iba paraan na magpapaalala sa nakaraan na hindi gamit ang Remember."
ANO!!! Hindi tu maaari. Pwede na sana ang Remember upang mawala na ang Water magic user sa kanila pero...sino ang may alam sa ibang paraan.
"Sino?! Sabihin mo sa akin upang mapatay na natin yan!" Galit na sabi ko.
"Ang pangalan niyo po..."
"...ay EZRA!"
Ezra? Siya pala yung pangatlong nakatakas sa pagsabog sa Memoranta. Kung ganun...
"Kung ganun...Maghasik tayo ng lagim sa mundo ng mga tao. Hanapin niyo si Ezra at patayin niyo siya. Hahaha! Humanda na silang lahat. Alam ko namang...hindi sila mananalo!!!"
"Masusunod mahal na hari!"
BINABASA MO ANG
Fantazia Academy: Remember /Completed√/
FantasyBook 2 of Fantazia Academy: The lost powerful princess of Magisia They forget the past. They forget the academy. They forget the Magica World. They are separated. Their only hope is Keliah. Can they REMEMBER it again... Can they Remember the past...