Chapter 37: Escaping in the Mansion

1.1K 51 0
                                    


Keliah

"Nandito si Meliah sa loob?" Gulat na wika naming lahat.

"Sigurado ka?" Sabi ko kay Aqualean.

"Oo! Nakakasigurado ako. Kaya tara na at bilisan natin." Sabi ni Aqualean.

Nandito nga si Meliah sa loob. Ngunit bakit? Bakit nandito siya?

Mabilis kaming sumunod sa pagtakbo ni Aqualean nang biglang...

"AAAAHHHH!" Sigaw ko nang mahulog kami sa patibong ng mansyon.

Tumayo na ako sa aking pagkakahulog at inalalayan agad ako ni Kent.

"Nasaan na tayo?" Tanong ko kay Kent.

"Hindi ko alam. Sila Aqualean ay hindi nahulog. Nakatakas siya kasama ni Rasell." Wika ni Skyla.

Ang luma lugar dahil napapaligiran ito ng lumot. Kapansin-pansin ang mga buto ng tao na nakalatag lang sa lupa at ang iba ay natatabunan pa ng lupa.

"Kinakabahan ako sa lugar na tu!" Sabi ko.

"Dapat lang..."

Teka? Sino yun?

"Lumabas ka duwag!" Sabi ni Akutsu.

Nagulat nalang kami nang gumalaw ang mga pader. Pag hindi kami makalabas dito...magiging palaman kami ng pader na tu!!!

"Hahaha..."

"Tumakbo na tayo! Delikado tayo sa lugar na tu." Sabi ni Kent saka niya hinawakan ang aking kamay at tumakbo kami.

Takbo lang kami ng takbo. Kunti nalang....

At napahiga kami sa sahig. Nakakastress talaga ang pagtakbo, infairness ah!

"Hahaha! Nakatakas kayo.. pero di kayo makakatakas sa amin!" Nagulat nalang kami nang may umatake sa amin. Mabilis kaming umilag.

"Hey! Lumabas ka!!!" Sabi ni Skyla.

"Ganun ba? Ipakita natin sa kanila kung sino tayo."

Nagulat nalang kami sa kanilang mga mukha. Duguan silang lahat at may nakakakilabot na itsura.

"Well, ano? Patayin na natin sila!!!" Wika ng isang lalaki na duguan ang mukha.

"Hahaha! Tama!"

Mabilis silang umatake. Mabilis rin kaming nakailag sa kanilang mga atake. Umatake rin ako sa kanila gamit ang kamao ko...mas masakit pa ata tung kamao kesa sa magic ko. Lagot kayo sa akin mga gago't gaga kayo!

Natamaan ko ang isa sa mga kasamahan nila at marahas ko siyang sinipa. Lima sila at lahat sila ay gulat na gulat sa ginawa ko.

"HOW DARE YOU?!"

Biglang tumaas ang kuko ng isa sa kasamahan nila at umatake ito sa akin. OMG! Wolverine ang peg.

"Water slicer!"

Lumaki ang mata niya nang mahiwa ko ang mga kuko niya. Oh! Ano ka ngayon!!!

"Sa susunod magnail cutter ka ah! Kung ayaw mong ako ang puputol sa kuko mo." Sabi ko at mabilis na sinipa si Mr. Wolverine!!!

Nagulat nalang ako nang umatake sa akin si Skyla. Teka, hindi siya si Skyla. Xerox copy lang tu!!!

"Nice xerox copy!!!" Sabi ko at ginamit ko ang kamao ko at sinuntok siya sa mukha.

Silang Akutsu at Kent ay nakipaglaban sa dalawa pang kalaban habang si Skyla...nakatunganga lang ang gaga at kumakain ng popcorn. Ano tu? Sinehan? At saan niya naman nakuha yang popcorn.

Fantazia Academy: Remember /Completed√/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon