Chapter 32: Hurting Herself

1.2K 57 1
                                    


Kent

"Dinadala ka ng galit mo..."

"Kung mahal mo si Keliah...matuto kang magparaya!"

"Kakalimutan mo nalang ba ang pinagsamahan niyo...natin?"

AAISSH!!!

Masyado na ba talaga akong nadala. Mahal ko si Keliah...pero mahal niya si Nick.

Humiga ako sa kama saka pinikit ang mga mata ko.

"Masyado ka nang dinadala ng galit mo..."

"Hindi naman sa sinasabi kong wala ka nang pag-asa!"

Kainis!!!

Bakit nasa isipan ko ang mga sinabi kanina ni Aira?

Bakit ako nadadala sa mga sinasabi ni Aira?

Wala na ba talaga akong pag-asa kay Kel?

Kaya ko bang tanggapin na hangang kaibigan lang kami...

_

Papunta ako sa parking lot upang sumakay sa kotse ko saka ko ito pinaandar at umalis na papuntang eskwelahan.

Nadaanan ko ang bahay ni Kel at nakita ko siya.

Maayos na pala siya! Salamat naman...

"Kel---"

Hihinto na sana ako nang makita ko si Nick. Hindi ata ako nakita ni Keliah.

Dapat ba akong magalit? Dapat ba akong magselos?

Kaibigan niya lang ako. Wala nang iba!!!

Tinuloy ko nalang ang pagdradrive. As usual pag baba ko sa kotse, dinumog ako ng mga babae.

"Oy si Kent!"

"Gosh ang gwapo niya always!"

"Nge! Di niya kasama si Keliah!"

Lumingon ako sa babaeng nagsabi nun saka naman ito umiwas ng tingin.

"Waaah! Tumingin siya sakin!"

Hindi ko na sila pinansin saka dumiretso sa classroom. Nakita ko si Keliah na kakapasok lang sa classroom na nakayuko. Hindi niya kasama si Nick.
Saka naman siya nabangga sa kisame.

Saka ko napansin na umiiyak pala siya. Gusto kong lapitan siya. Gusto kong makita ulit ang mga ngiti niya. Gusto kong yakapin siya...pero di ko magawa.

"Kel? Ok ka na ba talaga?!"

"Ha-ha? Oo naman!!!" Sabi ni Keliah saka pinunasan ang kanyang mga luha at ngumiti. Lumingon siya sa akin. Nagulat ako kaya umiwas nalang ako ng tingin.

"Keliah! Tara na pasok! May iba palang tao dito!" Sabi ni Rasell saka lumingon sa akin. Ako ba ang pinaparingan niya? Galit ba silang lahat sa akin?

"Ok!" Sabi ni Keliah saka sila pumasok sa classroom.

_

Hindi ko maiwasang lumingon kay Keliah. Bakit parang ang saya-saya niya parin kahit ang dami niyang problema...

"Nakalimutan na ng lahat ng kaibigan ni Keliah ang lahat...tas dadagdag ka pa!!!"

Naalala ko na naman ang sinabi sa akin ni Aira. Dumagdag lang ba talaga ako sa problema ni Keliah?

"Kent! So...ayaw mo na ba kay Keliah!" Sabi ng kaklase naming si Mea.

"What are you talking about?"

"Obvious naman eh! Mukhang nag-away kayo. Wag kang mag-alala... nandito naman ako eh!" Sabi ni Mea saka hinawakan ang braso ko.

"Don't touch me! Tsk...dirty hands!" Sabi ko saka lumayo sa kanya.

Wala na akong ibang mauupuan...kaya ako umupo sa tabi ni Kel.

"Himala!" Rinig kong sabi ni Melondy.

"It's not Himala! It's WOW MAGIC!!!" Sabi ni Skyla at natawa naman si Rasell.

Ok! Galit nga sila sa akin. Hindi na ako komportable. Ang awkward ng feeling. Nakatulala lang ako na tinitignan ang blackboard habang si Kel ay nakatunganga lang na nakayuko.

"Kel? Are you sure...na Ok ka lang?" Sabi ni Aira.

"Oo naman! Ang lakas ko kaya! Haha!" Sabi ni Keliah saka ngumiti at napangiti naman si Aira.

She acts like she don't have any problems. She's a positive thinker. She's a secret hider...

Tinatago ni Kel ang nararamdaman niya ngayon. I can sense it! She looks pale...but she acts like it's ok.

"Masama ang magtago ng sikreto sa mga bff mo beshie!" Wika ni Rasell.

"No! I'm Ok..." Umubo si Keliah kaya niya kinuha ang panyo niya at umubo ng umubo.

"I don't think so...mukhang hindi ka ok!" Sabi ni Skyla.

"O-ok..." Umubo muna si Keliah.

"...Lang ako nu!"

Kanina pa siya ubo ng ubo. Hangang sa...

"Keliah!!! Ano ka ba?! You said you're ok!!!" Sabi ni Aira nang makita ang dugo sa panyo ni Keliah.

"Ok lang ako! Wag niyo kong alalahanin!"

Dun na ako napilitang kaladkarin si Keliah. Nagulat siya at lalo na silang Rasell.

"Bitawan mo ko!"

Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kanyang kamay.

"Bitawan mo ako!!!"

"I said LET ME GO KENT!!!"

Huminto ako sa paglalakad. Why does she acts like she's alright?!

"ANO?! Ano na naman bang problema mo?!"

Hindi ko siya sinagot. I just stared her...

"Ako na naman ba!!!"

Kinaladkad ko siya papuntang parking lot saka ko binuksan ang pinto ng kotse.

"Sakay..."

"AYOKO!!!"

"Sakay..."

"BAKIT? PARA NA NAMAN BA MAG-AWAY TAYO!!! OK NA SA AKIN ANG LAHAT! TANGGAP KO NA HINDI MO AKO MAPAPATAWAD. AYOKO NA KENT!!! AYOKO NA!!!" Sigaw ni Keliah.

"Sakay..."

"When I say NO...NO! When I say I'M OK...I'M OK!!!"

"But you act like you're ok. Pinipilit mo ang sarili mo na magiging ok ka kahit may sakit ka. I can't stop myself!!! Sinasaktan mo na ang sarili mo. Marami ka pang lulutasin!!!" Sabi ko.

"I hate you KENT!!! YOU KEEP HURTING ME. NASASAKTAN NA AKO!!!"

"AT SA TINGIN MO...IKAW LANG!!!" Sabi ko.

Nagulat nalang ako nang biglang nahimatay si Keliah. Buti nalang at nasalo ko siya.

Agad ko siyang sinakay sa kotse at pumunta sa hospital.

Nasasaktan na si Keliah...dahil sa akin!

Fantazia Academy: Remember /Completed√/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon