***NOTE: THIS IS THE UNEDITED VERSION***
"KABAONG na parang safety deposit box ba kanyo?" pagkompirma ni Marian sa hiniling na design ng kabaong ng bago niyang kliyente.
Sa nakalipas na taon ay naging innovative na ang Rest In Peace Funeral Home. Gumagawa na rin sila ng mga pasadyang kabaong tulad ng mga high-end na punerarya. Noong nauso ang Twilight ay marami ang nagpagawa sa kanila ng ataul na korteng vampire coffin. Noong nauso ang iPhone ay may nagpagawa sa kanila ng ataul na may disenyong tila isang malaking iPhone na may printed stickers ng icons ng facebook, Twitter at Instagram. Noong nauso ang Kpop ay may nagpagawa sa kanila ng ataul na tadtad ng stickers ng Korean boy bands at girl groups, with matching stereo player sa loob ng kabaong kung saan ay walang tigil ang pagtugtog ng mga kanta ng Super Junior na para bang naririnig pa iyon ng bangkay.
Noon ay simple lang ang Rest In Peace ngunit naging hip and innovative iyon nang siya na ang mamahala. Marami na kasing tao sa panahon ngayon ang nag-iiwan ng death wish kung sakaling mamatay sila. Isa na roon ay ang pagkakaroon ng kabaong na personalized at nakaka-relate sa namatay.
Tatlumpung taon na ang nakakararaan simula nang itayo iyon ng kanyang lolo. Ipinamana iyon ng kanyang lolo sa kanyang ama hanggang sa mag-rest in peace na rin ang kanyang ama kaya sa kanya nauwi ang pamamahala niyon. Meanwhile, ang kanyang mama naman ay alive and kicking pa kaya lang ay muli itong nag-asawa ng isang British at sumama sa huli sa UK. Kaya tuloy mag-isa niyang pinamamahalaan ang punerarya nila. Noong buhay pa ang papa niya na siyang funeral director ay siya ang assistant nito kaya naman hindi na siya nahirapan na patakbuhin iyon dahil alam na niya ang pasikut-sikot sa negosyong iyon.
Tumango si Mrs. Paras. "Hindi. 'Yong may lock lang."
Nagtaka man ay tumango na lang siya. "So, iyong normal lang na casket ang ipinapagawa n'yo na may lock?"
"Gusto ko na gawa sa metal."
"Okay. Open po ba o closed casket?"
"Natural, closed. Kaya nga may lock," asik nito.
Napalunok siya. Bakit parang galit ito? Siguro ay nagagalit ito sa mundo dahil sa pagkamatay ng asawa nito. Kasama sa kanyang trabaho ang maging sympathetic sa mga kliyente niya dahil alam niyang nasa mourning period ang mga ito kaya pinagpasensiyahan niya ang bad mood nito. "I mean, may window ho ba o wala?"
"Wala."
"Okay." Inilista niya sa notebook ang detalye. Kinuha niya ang album na naglalaman ng mga pangalan at larawan ng memorial chapels at ibinigay niya rito. "Mamili na ho kayo ng memorial chapel kung saan n'yo gustong ganapin ang lamay ng asawa n'yo. By the way, ilang araw po ba ang lamay?"
"Walang lamay."
"Wala? Ah, gusto n'yo ng immediate burial."
"Hindi rin. Hindi pa naman siya patay, eh."
"Ah... gulay na siguro siya, nasa ospital at aparato na lang ang bumubuhay sa kanya. Kaya balak n'yo na lang siyang i-give up?" malungkot na tanong niya bilang pakikisimpatiya. "Tama ba ako?"
"Hindi."
"Ah... may taning na siguro ang buhay niya at ilang araw na lang ang itatagal niya?"
"Hindi."
"Comatose?" patuloy niya sa panghuhula.
"Hindi."
Kumunot ang noo niya. Kumukuha lang ba ito ng casket para sa death plan? Pero hindi naman nito sinabi iyon kanina. "Kailan n'yo kamo kailangan itong ipinapagawa n'yo?"
BINABASA MO ANG
I Love You To Death [COMPLETED]
HumorImbyernang-imbyerna si Marian sa mahaderang may-ari ng kakompetensiya niyang funeral parlor na si Aling Poleng. Tumitindi ang kompetensiya sa pagitan ng mga punerarya nila. Pabonggahan at iba't-ibang gimik ang ginawa nila para magpasiklaban at makak...