Part 44

2.8K 107 7
                                    


"HINDI KA ba nahihiya sa kanya? Ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng ama niya. Tapos ngayong napatawad ka na niya, ikaw pa ang may ganang tanggihan ang pakikipagbalikan niya sa 'yo?"

Naabutan ni Marian na sinasabi ni Mr. Ramirez kay Calvin. Alam niyang si Analie ang tinutukoy ni Mr. Ramirez.

"May kasalanan ka kay Analie," patuloy ni Mr. Ramirez. "Kaya wala kang karapatang tanggihan siya. How could you be so irresponsible after all this time?"

"I was not irresponsible. I just made a mistake. Ang akala ko ba, nagkaayos na tayo? Ang akala ko hindi mo na ako sisisihin sa pagkakamali ko?"

"Because you're doing yet another mistake now. Tanggapin mo ang pakikipagbalikan ni Analie. Do it para makabawi sa nagawa mo."

"Dad, that is bullshit. Pinipilit mo akong makipagrelasyon? Pati ba naman doon, gusto mo akong diktahan? May girlfriend ako, 'di ba? You just met her now."

Bumuntonghininga ito. "I'm sorry but I don't like her. She seems like a lunkhead."

Maingat na hinugot ni Marian ang dictionary mula sa kanyang bag para tingnan kung ano ang ibig sabihin ng 'lunkhead' at napa-"Aray ko" siya sa isip. Mahina daw ang ulo niya.

"Dad!" asik ni Calvin sa ama. "She's not very intelligent. But she's not dumb. She's an amazing person and she makes me happy."

"Yes, she makes you happy because she makes you laugh with her silliness."

"Shut up, Dad. 'Wag mo siyang babastusin."

"Hindi ko siya binabastos, hijo. I'm just telling the truth. She's beautiful but that's all she is."

"Hindi mo siya kilala kaya wala kang karapatang husgahan ang pagkatao niya."

"Maybe I don't know her. Maybe she's fun and a nice person. But I'm telling you, you will soon get bored talking with her. Hahanapin mo rin 'yong may kausap ka tungkol sa mga bagay na may sense at ginagamitan ng utak. Someday soon you will long for someone like Analie who can stimulate you intellectually and you'll realize you'd been wrong choosing Marian over Analie."

"I love Marian and that's all that matters," mariing wika ni Calvin.

"Sinasabi mo lang iyan ngayon. But that feeling will die soon. Minahal mo lang siya dahil depressed ka nang mga panahong nakilala mo siya at isa ka lang embalsamador. But once you get back to your normal life, you'd go back to your senses and you would want to get rid of her."

"Please stop talking bullcrap, dad. Hindi mo hawak ang puso ko para masabi mo ang mga bagay na 'yan."

Nagpakawala ng munting tawa si Mr. Ramirez. "It's the brain that falls in love, hijo. Not the heart. Mukhang kinalawang na ang utak mo simula nang maging embalsamador ka at makasama mo si Marian. You need to go back to being a doctor as soon as possible bago pa tuluyang kalawangin ang utak mo. Makukuha mo na ulit ang lisensiya mo kapag iniurong na ni Analie ang reklamo niya laban sa 'yo. Kaya balikan mo na siya."

Mabigat ang dibdib na gumulong si Marian palabas ng bahay. Kulang na lang ay gumapang siya habang lumuluha sa sobrang sakit ng nadarama niya nang mga sandaling iyon.

Tama naman si Mr. Ramirez. Totoo naman na nangyayari ang scenario na sinabi nito. Ganoon ang nangyari sa kanila ni Roel. Noong una ay mahal na mahal siya nito at nato-tolerate pa nito ang incompatibility ng intelligence level nila pero nang lumaon ay hindi na rin nito nakayanan dahil nagsimatayan na ang brain cells nito sa pakikipag-usap sa kanya kaya iniwan na siya nito at naghanap ng babaeng muling bubuhay sa brain cells nito.

Hindi siya intellectually stimulating para sa isang matalinong tao na tulad ni Calvin. Samakatuwid ay hindi rin siya nababagay sa pamilya ng mga ito kapag nagpakasal sila ni Calvin. Isa siyang kasiraan sa pamilya Ramirez. Para siyang naligaw na marusing na biik sa isang sheep yard na puno ng mga tupang naggagandahan at nagkakapalan ang mga balahibo.

Hindi siya nababagay kay Calvin. Hindi siya gusto ng mga magulang nito para sa anak ng mga ito. Sooner or later ay baka gawin din ni Calvin ang ginawa sa kanya ni Roel. Iiwan din siya ni Calvin.

Pinunasan niya ang mga luha at nagtungo siya sa cocktail table. Doon ay uminom siya ng Margarita. Namataan niya si Analie sa mga guests. Napakaganda nito sa suot nitong pink cocktail dress. Ang sabi ni Gigi ay mas maganda pa siya kaysa kay Analie pero sa pagkakataong iyon, pakiramdam niya ay kamukha niya si Betty La Fea. Mas maganda nga siguro ang mukha niya pero mas maganda ang utak ni Analie. Talbog na talbog ang beauty niya rito. Miski ang mga magulang ni Calvin ay botong-boto kay Analie para sa anak ng mga ito. Ano pang binatbat niya? Mukhang talong-talo na siya.

Natanaw niya si Calvin na bumungad uli sa pagtitipon. Napatago siya sa likod ng matabang babae. Baka mahalata ni Calvin ang mga mata niya na galing sa pag-iyak kaya ayaw muna niyang magpakita rito. Mula sa likod ng malusog na babaeng hindi aware sa presensiya niya ay sinilip niya ang kanyang nobyo habang lumilinga-linga ito na mukhang hinahanap siya.

Ang totoo ay gusto na niyang umuwi. Ngayong nalaman niya na isang clown lang ang tingin sa kanya ng ama ni Calvin ay parang hindi na niya kaya pang harapin ito. Manliliit lang siya sa harapan nito.

Sinundan niya ng tingin si Calvin na mukhang patuloy pa rin sa paggalugad sa paligid para hanapin siya. Namataan niya si Analie na mukhang sasalubong kay Calvin. Parang biglang gusto niyang itulak ang matabang babaeng pinagtataguan niya para takbuhin ang nobyo upang harangan ang pagtatagpo ng dalawa. Kaya lang ay parang nanigas ang mga paa niya. Bigla, pakiramdam niya ay wala siyang karapatang gawin iyon dahil hindi siya nararapat para kay Calvin.

Si Analie ang nararapat na babae para kay Calvin. Magiging komplikado lang ang lahat kung ipagpapatuloy pa nila ni Calvin ang relasyon nila ngayong nalaman nilang tutol ang mga magulang nito sa relasyon nila at si Analie pa rin ang gusto ng mga ito para sa anak. Baka nga miserable lang ang pakiramdam ni Calvin nang mga panahong nagkakilala sila kaya ito na-in love sa kanya. Mawawala rin ang feelings ni Calvin para sa kanya balang-araw. Parang ayaw na niyang hintayin pa ang araw na iyon.

Pero mahal na mahal ko siya... Gusto ko siyang ipaglaban... ngalngal niya sa isip. Magpapakatalino siya para maging karapat-dapat kay Calvin. Babasahin niya ang lahat ng libro sa public library. Magpapa-tutor siya. Kukuha siya ng masters degree sa psychology. Iinom siya ng brain vitamins and supplements. Iko-close friend niya si Kuya Kim Atienza.

Handa siyang gawin ang lahat para makombinsi niya ang mga magulang ni Calvin na karapat-dapat siya sa anak ng mga ito. Kung magiging matalino siya ay hindi na siya iiwan ni Calvin balang-araw. Kailangan lang niyang magsikap para sa pag-ibig.

Aalis na sana siya sa pinagkukublihan para lapitan si Calvin at ilayo ito kay Analie pero napahinto siya nang yakapin ni Analie si Calvin nang magtagpo ang mga ito. Mukhang hindi pa nasiyahan ang bruha, tumingkayad pa ito para dampian ng halik ang mga labi ni Calvin na mukhang nagulat sa ginawa ng dating nobya pero hindi ito kumalas sa pagkakayakap ng babae sa pagtataka niya.

Napatalikod siya. Mabilis na namasa ang kanyang mga mata. Mukhang hindi lang ang isyu niya sa katalinuhan at mga magulang ni Calvin ang problema niya. Mukhang hindi papayag si Analie na tuluyang mawala rito si Calvin. Tila nakahanda rin itong gawin ang lahat para mapabalik dito ang dating nobyo. Anim na taon na naging magnobyo ang mga ito. Ano bang panama ng anim na linggo pa lang nilang relasyon ng nobyo? Mas malalim ang pinagsamahan nina Analie at Calvin kaysa sa kanila ni Calvin. Malaki ang posibilidad na maakit nito pabalik si Calvin sa piling nito. Lalo na at mukhang si Analie lang ang makakapagpabalik ng lisensiya ni Calvin.

Pumikit siya at pumatak ang mga luha niya. Parang gusto niyang sumubsob sa likod ng matabang babae at doon humagulgol. Pero baka daganan siya nito kapag binasa niya ang evening gown nito. Pinili na lang niya ang humakbang palayo, papunta sa gate ng mansiyon at lumabas doon.

Lumuluha siya habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Binulatlat niya ang bag at itinapon ang dictionary sa lapag. Hindi na niya kailangan iyon. Wala na siyang kailangan pang pagpa-impress-an. Hindi na niya kailangan pang magpakatalino. Sumusuko na siya. Isinusuko na niya si Calvin sa mga magulang nito at kay Analie kung saan ito nararapat. Uuwi na siya sa QC at pag-aaralan na uling mabuhay nang mag-isa.

Good-bye, Calvin... Salamat na lang sa mga masasayang alaala...

I Love You To Death [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon