Part 31

2.7K 108 6
                                    


NAGLALAKAD si Marian sa hallway ng Eternal Memorial Chapel nang mamataan niya si Miguel na papasalubong sa kanya. May i-d-in-eliver ba itong patay doon? Tatalikod ba siya para iwasan ito? Liliko at iiba ng daan? Magtatakip ng mukha para hindi makita nito? Pero huli na ang lahat. Tumingin na ito sa kanya. Napagpasayahan na lamang niyang ipagpatuloy ang paglalakad at deadmahin na lang ito na para bang invisible ito sa paningin niya.

Pero bago pa niya ma-isnab ito ay bigla itong nagtago. Napanganga siya. Hindi siya makapaniwala sa ginawa nito. Bakit kailangan nitong pagtaguan siya? Iniisip ba nito na sinusundan niya ito roon? Iniisip ba nitong nagkukunwari lang siyang nakaka-move on sa ginawa nitong panonopla sa damdamin niya? Kinailangan pa talaga nitong magtago. Ano bang akala nito, susunggaban niya ito?

Nagbuga siya ng hangin sa bibig. Ang lakas din talaga ng loob nito. Hindi niya kayang balewalain lang iyon. Alam niyang ipinangako niya sa kanyang sarili na hindi na siya lalapit pa rito kahit kailan. Pero kailangan nitong malaman na wala na siyang feelings dito. At in fact ay sasagutin na niya si Val next week. Kaya huwag itong mag-feeling na hinahabol pa rin niya ito. Wala na siyang kiber sa biceps at abs nito at sa masarap na halik nito.

Ipinagpatuloy niya ang paglalakad para tingnan kung saan lumusot si Miguel at nakita niya ito sa likod ng pader sa tapat ng pinto na for authorized person only. Halatang nagtatago ito. Pinaningkitan niya ito ng mga mata nang magtama ang mga paningin nila.

"At talagang kailangan mo pa akong pagtaguan, ha. Excuse me, anong akala mo sa akin, hinahabol pa rin kita? For your info—" natigil siya sa pagsasalita nang hilahin siya nito. Bigla ay nakasandal na siya sa pader, nakahawak ito sa mga balikat niya, magkaharap sila at halos nakadikit ang mga katawan nila. Naumid ang dila niya.

Sumilip ito sa gilid ng pader. Sa ginawa nitong pagkilos ay napadikit na talaga ito sa kanya pero parang hindi nito alintana iyon. Gusto sana niyang magreklamo pero hindi niya magawa. Napalunok siya. Bakit kay lakas ng pintig ng puso niya? Bakit kailangan niyang maapektuhan ng pagdidikit ng mga katawan nila?

Sino bang sinisilip nito roon? Ibig sabihin ba ay hindi siya ang pinagtataguan nito? May iba itong pinagtataguan? Baka ibang babaeng naghahabol rito. Tumikhim siya. "E-Excuse me..."

"Stay still," mahinang sabi nito. Umalis ito sa pagsilip sa labas ng pader at bumalik sa kanya.

Sa ginawa nito ay halos magdikit ang mga mukha nila dahil nakatingala siya rito at nakasuot siya ng three inches na high heels. Nagkatitigan sila. Parang biglang tumigil ang oras at na-freeze sila sa ganoong posisyon.

Dinadaya lang ba siya ng mga mata niya? Bakit kung makatingin ito ay parang nami-miss siya nito? Saglit na bumaba ang tingin nito sa mga labi niya at bumalik sa mga mata niya. Anong ibig sabihin niyon? Gusto ba siyang halikan nito? At bakit parang naghihintay siyang gawin nito iyon?

Hindi! sigaw ng isip niya. Hindi ka niya gustong halikan dahil may feeling siya para sa 'yo, tanga! Gusto lang nitong makalamang. Tulad ng ginawa nito nang dalawang beses siyang hagkan nito. Ganoon talaga ang mga lalaki. Gusto lang makatsansing ng mga ito kahit walang damdamin ang mga ito sa isang babae. Napatunayan niya na totoo iyon dahil kay Miguel.

Hindi na niya muli pang hahayaan ito na lamangan siya. Itinulak niya ito at iniwan ito sa likod ng pader. Kung sino mang babae ang humahabol rito, malamang na pangit iyon kaya pinagtataguan nito. O kaya naman ay beking wild. Well, sana ay mahuli ng babaeng iyon o baklang iyon si Miguel at matsansingan nito ang lalaki. Sana ay kuyugin si Miguel ng isang grupo ng mga matrona o mga bading at bugbugin ito ng halik ng mga iyon.

I Love You To Death [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon