PARANG in dolby digital sound ang kaba sa dibdib ni Marian nang matanaw niya ang mga magulang ni Calvin sa pagtitipong iyon. Natatakot siya na baka hindi siya magustuhan nina Mr. and Mrs. Ramirez na parehong doktor. Baka paandaran siya ng mga ito ng highfalutin words at mapa-post na lang siya ng hashtag nganga sa Twitter. Bago siya pumunta roon ay nagbasa siya ng English dictionary, nag-review ng mga pinag-aralan niya noong college at nag-practice siyang mag-Ingles nang tuluy-tuloy. Isang linggo rin niyang kinarir ang paghahanda para sa unang pagkikita nila ng parents ni Calvin. Pero kinakabahan pa rin siya na parang isang board examinee na nangangambang baka hindi lumabas sa exam ang mga ni-review.
Birthday ng mama ni Calvin ng araw na iyon at isinama siya ng binata sa Davao City para maipakilala sa mga magulang nito. Kanina nang dumating sila sa Davao City ay sa condominium unit na pag-aari ni Calvin sila tumuloy nito. Ang akala niya ay isang simpleng pagtitipon lang with family and close friends sa mansiyon ng mga Ramirez ang bubungaran nila pero isa pala iyong social gathering na maraming bisita. Mabuti na lang at swak naman sa pagtitipon ang suot niyang casual evening dress.
"Ready ka na?" tanong ni Calvin sa kanya.
Pinilit niyang ngumiti. "Ready na."
Nanunudyo ang ngiti nito. "Ba't parang nanginginig ka?"
"Hindi kaya!" pagkakaila niya.
Hinawakan nito ang kamay niya. "'Wag kang matakot, okay? Nandito lang ako sa tabi mo. Hindi kita pababayaang magisa."
"Talaga bang magigisa ako, sa palagay mo?"
"Just be true to yourself. You don't have to try to impress them. Hindi naman kailangan na magustuhan ka nila. Ang mahalaga, ako, gustung-gusto kita. Kaya kahit hindi ka nila magustuhan, it doesn't matter. I respect them so much but this is my life. Hindi na nila ako puwedeng diktahan ngayon."
Kahit paano ay nakampante siya sa sinabi ni Calvin. Gayunpaman ay gusto pa rin niya na magustuhan siya ng mga magulang ng nobyo niya. Kung hindi masyadong ambisyosa, gusto sana niyang siya ang maging daan para tuluyan nang mabura ang disappointment kay Calvin ng mga magulang nito. Gusto niyang maging maganda ang relasyon niya sa mag-asawang Ramirez dahil magiging biyenan niya ang mga ito in the future.
Magkahawak ang mga kamay na tinahak nila ni Calvin ang direksiyon patungo sa mga magulang nito na nang mga sandaling iyon at tila busy sa pag-e-entertain ng guests. Mukhang nakuha nila ang atensiyon ng mag-asawa kaya nagpaalam ang mga ito sa mga kausap para harapin sila ni Calvin.
Matapos bumati ay ipinakilala siya ni Calvin sa mga magulang nito at magalang siyang bumati sa mag-asawa. Ngumiti sa kanya ang tsinitang mommy ni Calvin at bineso siya nito. Hindi niya alam kung for formality's sake lang iyon o totoong natuwa ito na nakita siya sa kauna-unahang pagkakataon. Nagpasalamat ito nang batiin niya ito ng 'happy birthday' at abutan ito ng regalo. Hindi ito kasing giliw ni Momsie Betchay at tila aral ang kilos nito dala marahil ng pagiging isang doktor at rich madam nito. Napaka-regal ng hitsura nito. Si Mr. Ramirez naman ay tinanggap ang pakikipagkamay niya pero walang kangiti-ngiti ito habang tinititigan siya na para bang kinikilatis siya. Mukhang istrikto at dominante ito. Bagay na totoo naman talaga base sa kuwento ni Calvin.
"You are very handsome, sir," pamumuri niya kay Mr. Ramirez. "Calvin is your splitting image."
Nagkatinginan ang mag-asawa. Kinabahan siya. May mali ba sa sentence niya? Kinapa niya ang clutch bag niya. Parang gusto niyang hugutin ang pocket dictionary na baon niya.
"Or you mean, 'spitting image'," pagtatama ni Mr. Ramirez.
Dinaan na lang niya sa ngiti ang katangahan. "Yes, that's what I meant. Sorry."
BINABASA MO ANG
I Love You To Death [COMPLETED]
HumorImbyernang-imbyerna si Marian sa mahaderang may-ari ng kakompetensiya niyang funeral parlor na si Aling Poleng. Tumitindi ang kompetensiya sa pagitan ng mga punerarya nila. Pabonggahan at iba't-ibang gimik ang ginawa nila para magpasiklaban at makak...