KABANATA 3

90 6 0
                                    


Kabanata 3
Engaged With Him

"Damn, I miss you."

Hindi ako agad nakagalaw. Nanlalaki ang mga mata kong nakapako sa'king harap at laglag ang aking panga. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako dahil hindi ako makahinga. Sa pagpintig na iyon ng puso ko ay nagtuloy-tuloy na siya. Ang lakas nang pintig nito na nagdudulot sa'kin ng sakit sa aking dibdib. Pinapahirapan akong huminga.

Nang makabawi ay kumurapkurap ako. Napasinghap muna ako bago nagmadaling umalis sa dagat ng tao. Napahawak ako sa aking dibdib.

Kingna, ang sakit ng dibdib ko!

Sa pagmamadali dahil sa kagustuhang makawala roon ay hindi ko inaasahan ang pagbunggo ng balikat ko sa isang lalaking matipuno. At dahil matipuno siya at dahil na rin sa pagmamadali ay nabuwang ako sa kinatatayuan ko.

"Shit!" I cursed when I'm about to fall.

Don't tell me mapapahiya ako ngayon dito? Damn!

Ngunit nabura ang kaisipang 'yon ng isang kamay ang humawak sa baywang ko. Pero gusto kong manlumo nang malaman kung sino ang lalaking sumalo sa'kin. Peste! Mas gugustuhin ko atang mapahiya dito kesa mahawakan niya ulit. Nagtama ang aming mga mata. Wala na siyang salamin kaya kitang-kita ko ang parehong mata na nakikita ko kay Symon. Napalunok ako.

Stop staring, Synesthesia!

"Be careful―"

Hindi niya natapos ang sasabihin nang magmadali akong naglakad palayo roon. Iiling-iling akong bumalik sa aming mesa. Inis akong umupo sa tabi ni Vandros at kumuha ng vodka tsaka diretsahang nilaghok ang dalawang shots.

"Sin, sina Kath? Hindi mo kasama?" Tinig ni Dros.

Hindi ko agad siya sinagot. Padabog akong sumandal at napa-ingit ng may maramdamang sakit. Napahawak ako sa balikat ko ng maramdaman ang sakit do'n.

"Hey, you alright?" He asked.

Tipid akong ngumiti at tumango. Hawak pa rin ang kanang balikat.

"Nagkahiwalay kami eh." Sagot ko sa tanong niya.

Mataman niya akong tinitigan bago tumango.

"I'll just going to find her," aniya tsaka umalis.

Bumuntong hininga ako tsaka marahang minasahe ang aking kanang balikat. Napatingin ako sa mga kasama ko na nag-uusap. Sina Juxther at Maven na girlfriend niya lang ang kasama ko. Naramdaman siguro ni Maven ang paninitig ko kaya nilingon niya ako at nginitian. Ngumiti ako pabalik ngunit agad 'ding napawi iyon.

"Uy, bro. Glad that you made it tonight," bati ni Jux sa kararating lang na si Lego.

Sa tagal na nang panahon. Hindi ko na matandaan kung kailan ko binanggit ulit ang pangalan niya. Dahil kahit sa isipan ay hibdi ko iyon magawa. Sa bar na naman kami nagkita. Tss! Teka? Hindi pa pumunta dito si Lego? Ibig sabihin dumiretso siya agad sa dance floor? Napailing ako sa naisip. Kumuha ako ng inumin sa lamesa at sumimsim roon.

"Yeah," maikling sagot niya.

"Sin, nandito na si Legolas." Ani Jux.

Napatingin ako kay Jux. Mataman ko siyang tinitigan tsaka humalakhak ng pagkasarkastiko.

UNDERCOVER (AGENT X01) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now