KABANATA 17

92 6 2
                                    


Kabanata 17
Relationship

Nagising ako at agad na napahawak saking ulo. Ang sakit ng ulo ko! Pakiramdam ko ay mabibiyak ito!

Bakit ba nananakit ang ulo ko?

Minulat ko ang aking mga mata. Agad akong napabaling saking tabi. Napabuntong hininga ako nang makita si Legolas na mahimbing na natutulog. Naalala ko ang mga nangyari sa pagitan namin kagabi.

Buntong hininga.

Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Tsk! Kahit kailan ka, Synesthesia! Pagdating sakanya hindi ka makatanggi! Peste!

Maingat akong bumaba sa kama. Natigilan naman ako nang mapansin ang suot kong long sleeves na sigurado akong pagmamay-ari ni Lego. Naka-paa akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina para uminom.

Kasalukuyan akong umiinom nang may marinig akong mahinang pagkalabog pagkatapos no'n ay sinalubong ko ang kunot-noong mukha ni Lego. Ngunit agad din iyong nawala matapos akong makita. Naka-shorts lang siya at walang damit.

Napakurap-kurap ako nang mabilis siyang lumapit sakin at niyakap ako mula sa likuran. Napalunok ako. Ipinatong niya ang kaniyang baba saking balikat.

"I thought you left me again," mahinang aniya.

Kahit kagigising mabango pa rin 'tong kumag na 'to!

Bigla akong nahiya kaya naman bumaling ako sa lababo para hugasan ang basong ginamit ko. Akala ko aalis na siya ngunit ni hindi man lang siya gumalaw sa pagkakayakap sakin at sumunod lang.

Kumalabog ang puso ko nang amoyin niya ang buhok ko. Pakiramdam ko ay unti-unting nanlalambot ang mga binti ko. Tumikhim ako at pinigilan ang sariling nararamdaman na dulot niya.

Natapos ko nang hugasan ang basong ginamit ko hindi pa rin siya umaalis kaya naman huminga ako nang malalim at naglakas-loob na umikot para harapin siya.

Nagtama ang aming paningin. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa kaseryosohan ng mukha niya. Ang mga mata niya ay katulad na katulad sa mga mata ni Symon. Hindi ako nagpakita ng emosyon sakanya kahit na naghalo-halo na ang nararamdaman ko.

"Hmmm..?" Paunang sabi niya at isinabit ang takas ng aking buhok saking tainga.

"Aalis na ako."

Natigilan siya sa sinabi ko at tinitigan akong muli. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.

"Bakit?"

Nilingon ko siyang muli.

"Ano namang gagawin ko dito?"

"Stay with me."

Ako naman ngayon ang natigilan. Mataman kon siyang tinitigan saka bumuntong hininga.

"May mga gagawin pa ako," sabi ko at umalis sa harap niya.

Marahan niya akong hinawakan sa palapulsuhan at hinila ako. Bumagsak ako sa matigas niyang dibdib dahil sa paghigit niya. Sumimangot ako dahil do'n ngunit hindi na ako pumalag pa.

"Do you still remember what we have talked last night?"

Pinigilan ko ang ngumuso sa harap niya. Ngumisi siya nang mapansin iyon. Biglang uminit ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin.

"Do you―"

"Oo!" Putol na asik ko.

Uulitin pa, tss!

UNDERCOVER (AGENT X01) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now