KABANATA 22

74 5 0
                                    


Kabanata 22
Missed

May after party pa ang kasal pero nag-paalam akong magpapahinga na lang.

"Are you sure?" Tanong ni Reijin.

"Mmm," nakangiti akong tumango. "Pakiramdam ko kasi ay pagod na pagod ako." Ani ko sabay tawa.

Natawa naman silang parehong mag-asawa.

"Okay! Rest well, Kithara." Si Rihanna.

"Thanks! Congratulations again to the both of you." Sabi ko bago sila tinalikuran.

Nagtungo ako sa kwarto at naligo. Matapos kong magbihis ng pantulog ay inilabas ko ang laptop ko para magtipa ng detalye tungkol sa kaso at ng maipasa na ito ni Tito Mier sa CIDG at makagawa ng warrant. Matapos kong i-send ang ginawa ko sa email ni Tito ay sumuong ako saking malambot na kama. Napasinghap ako at agad na naamoy ang pamilyar na bango ni Lego. Bigla siyang nawala kanina, tsk! Gayunpama'y napangiti ako at niyakap ang isang unan.

"I'll be going home tomorrow. Makikita ko na si Symon." Bulong ko bago pumikit at nakatulog.

Kinabukasan ay nagising ako sa ingay. Kunot noo akong bumangon at nag-unat ng katawan. Marahan akong naglakad patungo sa veranda at dumungaw sa railings. Bahagya akong nagulat ng makita ang lahat ata ng guests sa kasal kahapon. Nagkukumpulan. May mga pulis at nandito na ang mga CIDG. Naagaw naman ng paningin ko ang kids pool na walang tubig.

Napangisi ako ng matantong doon sila dumaan para makapasok sa loob. Nailing ako at may bahagyang kirot akong naramdaman saking puso.

Finally! Mission completed.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok roon at hinayaan ang kung sino mang pumasok. Natigilan ako ng makita siya. Humalukipkip siya at nagtaas ng kilay sakin.

"So tapos na nga?" Aniya.

Naglakad ako papasok at tumigil sa harap niya ilang metro ang layo sakanya.

"Siguro. Ano may nalaman ka?" Tanong ko.

"Wala," buntong hininga niya. "Wala siyang kasabwat sa mga pulis. Talagang wala silang ideya na nasa ilalim ng hotel ang pinagtataguan ng mga illegal na gawain ni Mr. Lawson."

Napabuntong hininga ako at tumango. Nagtungo ako sa kusina para uminom ng tubig.

"Nasaan ka kahapon? Hindi kita mahagilap. Bigla kang nawala." Sabi ko.

Ngumisi siya. "Umalis ako dahil tinawagan ako ni Detective Alonzo."

Lumabi ako at tumango-tango.

"Umuwi ka sa inyo?" Tanong ko at tumango siya. "Kamusta ang asawa mo? Maayos ba siya?" Tukoy ko sa asawa niyang si Jara.

Ngumiti si Allen at umupo sa isa sa mga upuan sa dining. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Maayos na maayos siya. Manganganak na siya." Ngumisi siya at tumingin sakin. "Ninang ka ah?" Aniya at natawa naman kaming pareho.

"Babae o lalaki?"

"Lalaki."

Oh!

Napatango ako at biglang naalala si Symon.

"May naisip ka na bang ipapangalan sa panganay niyo?" Tanong ko at umupo na rin sa harap niya.

"Wala pa eh pero sigurado akong may naisip na si Jara. Bakit magbibigay ka ba ng pangalan?"

"Hindi," natatawang sabi ko at nailing naman siya. "Tinatanong ko lang naman."

"Hindi ka pa ba bababa? Naroon na ang Tito mo. Hinahanap ka nga sakin eh."

UNDERCOVER (AGENT X01) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now