KABANATA 8

86 5 3
                                    


BATANES PART III

Warning: SPG

Kabanata 8
All Mine

Panay ang kuda ng mga kasama ko sa hapag habang hindi naman ako umiimik. Magsasalita lang kung kakausapin, gano'n ang eksena ko lagi sa hapag. Lalo na ngayon at naaasar ako sa topic.

Kingna, nitong mga kumag na 'to!

"HAHA! Bilib nga ako dito kay Lego eh," ani Dros na nahuli kong sinulyapan ako. "Sabihin ba namang girlfriend 'tong si Synesthesia, kaya aya'n. Nagsilayas 'yong mga chicks kanina." Dagdag niya.

"Sinabi mo 'yon, Lego?" Natatawang ani Bettina.

Sumama ang mukha ko habang nakadungaw sa kinakain ko. Ano bang nakakatawa ro'n at pinagkakatuwaan nila 'yong nangyari kanina? Tsk!

"Oo." Maikling sagot niya.

"Nasamid nga kami ni Juxther pagkatapos naming marinig 'yon eh," ani Adden. Natatawa rin.

"Syempre, hindi ko naman inaasahang sasabihin 'yon ni Lego eh." Ani Jux.

"Ito pa mas malupet. Ang galing din nitong si Lego. Sabihin ba namang Allen ang pangalan," ani Dros saka humagalpak sa tawa.

Napainom ako ng tubig. Kailangan ba talagang pag-usapan pa 'to? Kairita!

Nabaling kay Caryl ang atensyon ko matapos niya akong sikuin. Binigyan ko siya ng nagbabantang tingin. Natatawa siyang umiling sakin. Umirap naman ako at nagpatuloy sa pagkain. Buti pa si Symon, tulog na. Sana ako rin. Huhu!

"Bakit sa dinami-dami ng pangalan, Allen pa ang napili mo Kuya?" Ani Caryl.

Kuya talaga? OA. Tss.

"Hmm, ewan ko ba sa author."

"Huh?"

"I mean. Naisip ko lang."

"Tindi mo rin pala sa chix, Lego ah!" Ani Kath. "Buti walang lumapit sa inyo?" Baling niya kay Dros.

"Syempre, 'di hamak na si Lego ang mas hot sakanila," si Maven ang sumagot. Tumaas ang kilay ko. "Lalo na at single siya." Nakangising dagdag niya.

"Oo nga, Kuya. Iba kasi mukha mo. I mean, don't get me wrong. Pogi kayong lahat," ani Caryl. Natatawa pa. "Its just that iba ang kay Kuya Lego eh. Basta iba. Di'ba, Sin?" Siko niya sakin.

Nag-angat ako ng tingin at tiningnan sila isa-isa ng may tamad na mukha. Lahat sila nakatingin sakin at naghihintay ng sagot ko. Hanggang sa mapako iyon kay Lego bago tumango. Saka ako nagbalik sa pagkain.

"Yeah, we heard na may lahi ka raw na Greek, Lego? Is that true?" Bettina asked.

"Hmm. Yeah. My father is a pure Greek. My mother is a fil-am." Sagot niya.

"Wow! So basically, you have three breeds. Greek, Filipino and American. No wonder." Ani Caryl. Natutuwa. Tss!

"Ako rin," biglang salita ni Maven. "Pure Korean si Papa. Pure Filipina si Mama."

UNDERCOVER (AGENT X01) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now