KABANATA 15

85 6 2
                                    

Kabanata 15
Akin

Inihatid ko si Allen sa pinto pagkatapos ng higit sa isang oras na pag-uusap. Kumaway ako sakanya bago siya umalis. Nagbuntong hining ako saka pumasok na sa kwarto. Hindi pa man ako nakakarating sa sala ay may nag-door bell na. Kunot noo akong bumaling sa pinto at tinitigan ito ng ilang sandali.

May naiwan ba siya?

Nagtungo ako sa pinto upang pagbuksan ang akala ko'y si Allen ngunit nagkamali ako. Nagsalubong ang aking mga kilay ng makita ang pagmumukha ni Legolas.

"Anong ginagawa mo dito?" Kunot-noo ngunit maayos na tanong ko.

"Anong ginagawa ng body guard na 'yon sa kwarto mo?" Mariin niyang sabi.

Napaawang ang aking labi sa narinig. Simula nang makita ko siya kanina ay walang nagbabago sa pinapakita niyang emosyon sa kaniyang mga mata. Ganoon, pa rin. Galit na may halong panunuya. Parehong hindi ko alam kung para saan.

"Ano naman ngayon sayo?" Galit nang asik ko.

Tila mas lalo siyang nagalit sa sinabi ko dahil mas naging klaro saking paningin abg pag-igting ng kaniyang bagang.

"Ano nga ba iyon para sakin, Synesthesia?"

Napasinghal ako ng tawa at nag-iwas ng tingin. Hindi ko malaman kung para saan ang pag-uusap na ito.

Walang kwenta.

"Magtatanungan lang ba tayo dito, Legolas?" Inis na singhal ko. "Pabayaan mo nga ako sa mga ginagawa ko. Pinapakealaman ba kita sa buhay mo? Hindi naman ah!" Kunot noong dagdag ko. Kumunot rin ang kaniyang noo at nag-iwas ng tingin. "Kaya 'wag mo akong pakelaman." Malumanay ngunit mariin kong dagdag saka padabog na isinara ang pinto.

Hawak ko ang aking dibdib pagkatapos kong maupo sa sofa. Huminga ako ng malalim at nanghihinang napasandal. Hinilot ko ang aking sentido dahil sa biglaang pananakit nito. Naiiling akong tumayo at nagtungo sa banyo para sana maligo at mahimasmasan ngunit naalala kong kaliligo ko lang kanina bago umalis.

Nagbuntong hininga ako at pinatay na lang ang ilaw saking kwarto saka nagpunta sa veranda upang makalanghap ng malamig na hangin sa gabi. Sa paglanghap ko ng hangin ay gumaan ang pakiramdam ko.

Hindi ko akalaing nandito rin siya at kasama pa talaga niya si Czarina. Biglang nanikip ang dibdib ko sa isiping iyon. Napangiti ako ng mapait at napayuko saking mga palad.

Gusto kong maiyak pero naisip kong hindi ako dapat nagpapadala sa emosyon lalo na't hindi ako nandito para doon. Nandito ako para sa isang misyon. Iyon ang kailangan kong unahin.

Bumuntong hininga ako at tumingala na lang sa langit. Pinanuod ko ang pagkislap ng mga nagkalat na bituin sa kalangitan at ang pagbibigay liwanag ng buwan sa kalupaan.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nanatili roon ng gano'n. Ngunit pagtingin ko sa field kung saan may event kanina ay wala na akong makita kundi purong dilim. Tumayo ako at nag-unat ng mga braso. Akma akong papasok ng bigla akong makaramdam ng mahinang pagyanig ng lupa.

Nanatili ako saking tayo hanggang sa tumagal iyon ng sobra sa kalahating minuto. Napabaling ako saking magkabilang gilid upang tingnan kung may mga kasama ba akong nasa veranda at naramdaman din iyon ngunit wala. Lahat ng ilaw sa aking hilera ay nakapatay na. Tumingin ako sa taas para magbaka sakali ngunit patay rin ang mga ilaw. Pagtingin ko sa baba ay ganoon rin.

Ako na lang ba ang gising?

Sa ganoong posisyon ay may narinig akong isang tunog ng bakal. Dumungaw ako sa railings at tiningnan ang baba. Nanliit ang aking mata matapos makita ang isang puting van malapit sa gate. Sa pagtingin ko roon ay may naaninag ang aking paningin na pagkislap.

UNDERCOVER (AGENT X01) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now