KABANATA 25

89 5 0
                                    


Kabanata 25
Buntis

"Sin!" Sabay na tawag nung dalawa at niyakap ako.

"B-Bettina. K-Kath." Kinakabahan na sambit ko.

"Oh? Nandito pala si Lego?" Ani Dros at binalingan ako.

Binalingan rin ako ng iba. "Ah..." Nawalan ako ng isasagot.

"Well that's good! At least, kompleto tayo." Ngiti ni Kath at kumindat sakin.

Napalunok ako nang pumasok na sila ng tuluyan at naiwan ako sa pinto. Kinakabahan ako ng matindi dahil wala naman silang alam sa kung ano ang meron samin ni Lego. Bumuntong hininga ako at wala sa sariling isinara ang pinto bago sumunod sa kanila.

"Nandito pala si Symon?" Biglang ani Bettina. Napalunok akong muli. "Nandito rin ba si Caryl?" Biglang dagdag niya.

Tumikhim ako. "Wala si Caryl." Sagot ko habang umiiling.

"Lego! Ang aga mo naman ata para bumisita dito?" Ani Aeon kay Lego ngunit sakin siya nakatingin. "Hmm?" Ngisi niya sakin.

"I slept here," mataman at diretsong sagot naman ng mokong.

Sunod-sunod ang paglunok ko lalo na nang maiwang gulat ang ekspresyon ng mga kaibigan namin. Ngunit hindi nagtagal ang gulat kay Aeon at Kath. Nagpalipat-palipat ang tingin nila saming dalawa ni Legolas habang tahimik naman ako.

"Natulog ka dito, pre?" Gulat na ani Jux. "May hindi ka sinasabi sakin ah? Kaibigan mo pa ba ako?" Dagdag niya at ngumisi naman si Lego.

"Marami." Natatawang sagot ni Lego at naglakad palapit sakin. Parang tinambol ang puso ko sa bilis ng tibok nito. Sumunod ang mata ng lahat sakanya patungo sakin. "I want you to meet my wife." Anunsyo niya na siyang nagpahulog ng panga namin.

Namin. Oo, kasali ako. Hindi ko rin inaasahan ang sinabi niya!

"W-Wife? Ka-Kasal na kayo?" Guata talagang ani Bett. "Kailan pa?"

"Aysus! Hindi pa sila kasal." Mataray na ani Aeon kaya nilingon siya ni Bettina. "Mag-jowa ang dalawang 'yan." Ngiwi niya sakin kaya sumimangot ako.

"Synesthesia? Is this true?" Ani Jux. "Tino-talkshit ata kami ni Lego eh." Ngisi niya.

"Tss. Talkshit your ass, Velasco." Nakangising ani Lego.

"Sin? Totoo ba talaga?" Hindi pa rin makapaniwalang ani Bett. Bumuntong hininga naman ako. "Kath? Why aren't you reacting? Alam mo?" Baling niya sa katabi.

"Hindi ah. Hinala lang." Ngisi ni Kath sakin.

Nasapo ko ang noo ko at nailing na lang.

"Hindi kami kasal, okay?" Sabi ko saka kinurot si Lego sa tagiliran. "'Wag kayong papaniwala sa mokong na 'yan." Dagdag ko at nag-martsa para maupo sa sofa.

"Sabi sayo, Lego eh. HAHA!" Pang-aasar ni Juxther.

"Tsk! Shut up, Juxther Kency!" Asik ni Lego na nakabusangot na ngayon at nag-squat sa harap ni Symon.

"Daddy.." Ani Symon kay Lego habang inaabot ang laruan niya kaya nabaling sakanila ang atensyon namin.

"Hmm? What about this?" Tanong naman ni Lego ng makuha ang laruang inaabot ni Symon. "Does he love to play cars?" Baling niya sakin.

"Bakit hindi siya ang tanungin mo? He can answer you if he wants to."

"Do you love to play cars, Symon?" Baling niya sa bata.

"Yesh! Symon love cars." Masiglang sagot niya.

"I'll buy you tons of car toys then," ani Lego.

Umapila naman agad ako.

UNDERCOVER (AGENT X01) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now