KABANATA 24

81 6 2
                                    


Kabanata 24
Bisita

It was like a dream. Seeing Lego sleeping right next to Symon is making my heart melt. Parang pinipiga ang puso ko sa imaheng nakikita ko. Ako, si Lego at si Symon sa iisang kama. Parang kailan lang nung tinanggihan ko siya sa Batanes. I'd never thought that we'll end up like this.

Paglabas ng sasakyan niya ay agad niya akong hinagilap upang hawakan ang aking kamay. Ngunit agad ko siyang pinigilan saglit ng makita si Rob, driver nila Tito Mier.

"Why?" Lego asked.

I ignored him and asked Rob instead.

"Rob? Why are you here?"

"Susunduin ko po si Ma'am Caryl." Sagot niya.

Kumunot ang noo ko.

"Bakit?" Takha ko.

"Hindi ko po alam, ma'am. Siya na lang po ang tanungin niyo."

Tumango ako at ako na mismo ang nagpatiuna sa paglalakad. Pagbukas ng elevator ay pumasok kami agad ni Lego. Hindi siya kumikibo. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Ngunit napapanatag ako sa paghaplos ng kaniyang hinlalaki saking kamay kaya hindi na rin ako kumibo.

Nang makarating sa 15th floor ay bumungad samin si Caryl pagbukas ng elevator. Nakangiti siyang tumingin saming dalawa ni Lego. Lumabas kami ng elevator ng hindi ko inaalis ang tingin kay Caryl.

"Lego, you can go first." Nakangiting ani Caryl tsaka inabot ang card ng penthouse. "I think Sin has to say." Dagdag niya kaya tumango si Lego at lumapit sakin para haplusin ako sa pisngi bago tumalikod.

Nang makalayo si Lego nagulat ako ng hampasin ako ni Caryl sa braso kaya pinanlakihan ko siya ng mata habang nakahawak sa hinampas niyang braso ko. Ngiting-ngiti siya sakin na animo'y parang kinikilig.

"I knew it! I knew it! I kneeeew it! I told you, Sin." Kinikilig na aniya. "Kyaah! I'm so happy for the both of you but I'm more happier for Symon!" Tumitiling aniya at niyakap ako.

Nailing naman ako at natatawang tinapik siya sa balikat. Kumalas siya sa yakap at ngiting-ngiti ulit ngunit ngayon ay may kung ano sa kanyang mga mata akong nakita. Parang may panandaliang lungkot akong nakita ngunit agad ding naglaho. O imahinasyon ko lang iyon?

"Thank you, Caryl. Thank you for being always at my side."

"Sus! Ano ka ba wala 'yon! Hihihi!"

"Psh! Oh eh bakit ka aalis? Nakita ko si Rob sa basement. Uuwi ka?"

"Oo. Alam kong mangyayari 'to kaya tinawagan ko si Papa at sinabi kong uuwi ako. Syempre ayoko namang maging istorbo sa inyo."

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Mataman ko siyang tinitigan sa mata. I don't know why I feel something strange on her. Something not relevant. O baka naman guni-guni ko lang iyon.

"Mmm, sige na. Sumunod ka na kay Lego." Nakangiti pa ring aniya kaya bumuntong hininga ako at pinilit na ngumiti habang isinasantabi ang napapansin ko. "Good luck as a wife, Sin." She chuckled and step on the elevator.

"Caryl..." Tawag ko bago niya pindutin ang button. Nakangiti pa rin siyang bumaling sakin. So strange. "It won't be easy but you need to endure it. Let it be." Makahulugang sabi ko at napawi ang ngiti niya. Ang lungkot na dumaan kanina ay bakas na ngayon sakanyang mga mata. Now, I know something is wrong. Ngumiti ako. "Tiwala lang." Dagdag ko.

Kinagat niya ang kaniyang labi at tumango. Sandali pa akong nanatili sa harapan ng elevator bago pumasok sa penthouse. Kung hindi ako nagkakamali ay baka tungkol iyon sakanila ni Adden. Hindi ko alam pero malakas ang kutob kong may something na sa kanilang dalawa.

UNDERCOVER (AGENT X01) | COMPLETEDWhere stories live. Discover now